Array
(
[text] =>
I would like to share my journey as a PLHIV I was diagnosed last year by my friend:) ni hindi sumagi sa isip ko na maiinfect ako ng royal blood choz! since then I am a competitive person, contests, quiz bees,even diff. student organizations pinapatos kong salihan yan! i survive my college days being a dean’s lister at pinalad magka latin honor mula sa isang kilalang unibersidad sa manila. i was always an optimistic person, nasanay nadin sa mga problema mula sa pamilya. I though lahat nangyayari naayun sa gusto ko. Alam ko ang risks dulot ng casual sex at multiple partners, siguro 150 plus na nakasex ko actually di ko na mabilang, twosome, threesome, orgy lahat yan sinubukan ko to anyone, anywhere. masaya oo, fullfilling, feeling mo isang million dollar question ang nasasagot mo lalo kapag gwapo, yummy, gifted, magaling, yung tipong pwedeng ipangdisplay at kaiinggitan ng iba kapag nakitang kasama mo. been there, done this, did that. lahat na ng position sinubukan ko bottom, top, versa. lumakas ang loob ko kasi everytime na magpapa hiv screening ako non-reactive, alam mo yung risks pero bakit ganun nagpakatanga at nagpabaya sa sarili. then when you though everything seems perfect dun mangyayari ang bagay na di mo inaasahan. lagi ako pinagsasabihan ng kaibigan ko di sya nagkulang sa paalala, as far as i remember august 31, 2015 yun, annual kasi ako nagpapatest, oo palaging may kaba pero iba pala ang feeling kapag nandun kna sa ganung sitwasyon, sa sitwasyong babago ng buong buhay mo, change is coming, pak ganern ang peg. tinest ako ng friend ko gamit yung home testing kit, para syang pregnancy test kit, naka sampong ulit ata sya naubos na nya yung testing kit nila sa clinic nila, umiyak sya, humagulgol, may ideya na ako, alam ko na, sa testing kit may isang line na sobrang linaw at may isang sobrang labong line, sa kanila daw reactive na daw yung diagnosis nila. chances are sobrang konti plang nung royal blood sa dugo ko kaya malabo yung isang line, o baka may iba akong sakit na maaaring nagtrigger nun na sabi nya panget daw yung brand ng testing kit nila at di yun valid for testing, inadvice nya na ipaconfirm ko sa san lazaro hospital, sa saccl daw. hinatid nya ako hanggang sakayan, ako naman tulala umaasang sana pregnancy test kit yung nagamit nya sakin, pero hell no! i’m pregnant di ko maisip san lalabas si junakis. umiiyak padin syang hinatid ako, imagine from pasig tas sa bulacan pa ako. umuwi ako tulala, imagine nakauwi ako.tahimik ako, umakyat ako ng kwarto biglang nag sink in sakin yung mga possibilities kung anu yung mga mangyayari, natakot ako, humagulgol, pinigil kong umiyak ng maingay baka marinig ng parents ko. pinanghawakan ko nalang yung sinabi ng friend ko na false alarm lang yung findings, jusko lahat normal cbc, non reactive to hepa b, pero sa hiv test dun nagkamali. hinanda ko na yung sarili ko. monday nun, then ang available hiv screening schedule sa ritm ay wednesday ayun sa facebook. september 2, 2016 wednesday yun, kung di ka man lang minalas malas sarado ang ritm malate that day. ayoko na ipagpabukas pa, pumunta ako sa SLH, tanga lang ang lola nyo dun ako dumiretso sa SACCL mismo jusko, napahiya ako ahahahahahahaha sabi nung RMT sa SACCL sa OPD ako pumunta ayun another katangahan sa ibang OPD ako napadpad himbes na sa H4 OPD ahahahahahahahaha, ayun interview ako ng mga interns jusko katakot takot na tanong para lang sa hiv screening kasi mali nga pla yung napuntahan ko:)))) nirefer ako ng isang doktor dun sa manila social hygiene, then ayun dun ako nagpa hiv screening, mabilis lang nakuha yung results 30 mins lang, umakyat yung counsilor, malungkot, alam ko na, pilit kong hinahanda ang sarili ko , tinawag nya ako pinakita nya yung result at ayun REACTIVE madaming ipinaliwanag, pilit nilang pinagaan yung mga gumugulo sa isipan ko, di ako makapaniwala, sabi nila hintayin ko daw yung confirmatory, ayun binigyan na naman ako ng false hopes may chance daw na may nagcrossreact lang na ibang sakit, sa confirmatory daw malalaman yung pinakafinal findings, ako eto umaasa padin, naghintay ng 3 weeks for the result. umuwi ako as usual for the three weeks, halos di ako makakain, nadepress, tahimik lang, hanggang sa dumating yung result sept. 29, 2015 dun ko naconfirm na ayun may royal blood nga ako, congratulations to me.! bigyan ng condom pak na pak ang lola nyo. nagpa cd4 nadin ako the next week, 255 yung result ng cd4 ko, lalo ako nalugmok kasi, kailangan ko na maglakad ng laboratories at requirements para makapag start ng ARV, naloka ako mga bes, jusko may boboard exam ako, pinilit kong ipagpatuloy ang normal kong pamumuhay, pinilit kong makipag interact sa mga kaibigan ko, hanggang sa di na ako pumapasok sa review classes na di ko naman talaga pinapasukan. hanggang sa lumayo ako sa mga kaibigan ko, sa pamilya ko, sa sarili ko, pero isa lang ang nasandalan ko sa mga panahong yun si God, halos every other day nasa iba’t ibang simbahan ako, nananalangin, dumadaing, nagtatanong, bakit sa dinami dami ng tao sa mundo bakit isa ako sa chosen one? nagtatanong may nagawa ba akong karumaldumal na krimen? deserve ko ba to? anung purposebakit ako nagkaroon ng royal blood, ikagaganda ko ba ito? nagdeactivate ako ng mga social media accounts, nagpalit ng phone number, mas gusto kong mapag isa. bumagsak ako sa first take ko ng exam, tinanggap ko, para na akong manhid, di na ako makaramdam ng gulat, kalungkutan lalo na ng kaligayahn sa buhay ko. palagi kong iniisip papaano apag nalaman ng magulang ko? ikakahiya nila ako! itatakwil nila ako, papaano kapag nalaman ng mga kaibigan ko pangdidirihan nila ako, kakaawaan, at susumbatan. pinagpatuloy ko ang buhay kasabay ng pagkumpleto sa mga requirements at counsiling ng mag-isa. hanggang sa pinayagan na akong makapagsimula ng ARV, dec. 17, 2015 ako unang uminom ng ARV Neviraphine, lamivudine at zidovudine ang binigay na combinations, bongga may combinations ang pagdadarna:) kasabay nun yung pag inom ko ng isoniazid, at cotrimoxazole ata yung generic name nung isa. Grabe naglagas ng husto yung buhok ko, para na akong makakalbo, dinadaig ko yung nagpapa chemotheraphy jusko po! Ang dami kong balakubak, ewwwwnessss…. Tapos yung dila ko sobra yung pamumuti, dahil sa fungal infections, kaya uminom din ako ng fluconazole. Dinadalangin ko n asana walang side effects, kasabay ng pag iwas sa sangdamukal na mga hypo allergenic diet jusko gagawin ata akong super model ng mga to! Ayun mali na naman ako, dec. 19 nilagnat ako after ko umattend sa zumbang gabi, 40 degrees Celsius di sya bumababa, kinabukasan nagkarashes ako buong katawan as in buong katawan. Akala nila tigdas o dengue, pero side effects pala ng iniinom kong ARV yun. Di ko padin sinasabi sa magulang ko, hanggang sa inadvice ng mga doctor mula sa isang pribadong hospital na dalhin ako sa san lazaro, naadmit ako dec. 21 2015, alam na agad ng mga doctor kung anung sakit ko, para silang psychic. Inadvice na sabihin ko ni isa sa magulang ko yung totoo, hanggang sa siguro dahil sa takot at dahil sa akala kong baka mamatay na ako sinabi ko sa nanay ko, pagkatapos akong kulitin ng apat na doctor. Sabi ko “ nay, may sasabihin ako. Pero wag kang mabibigla, may HIV ako.” Pokerface lang ang aking ina sa mga sandaling iyon, kaya pla mga hinayupak sinabi na ng mga doctor noon pa, jusko. Alam ko masakit sa magulang ko, di nila matanggap, na may sakit ang unica ija nila, masakit na ang akala nilang si utoy ay nene pala, masakit na ang mga binuo nilang pangarap, magkakalamat. Di ako pinabayaan ng magulang ko, tinanggap nila. Pero ang lagnat ko bhe di padin bumababa. Dec. 25 kasagsagan ng pasko, nilipat ako sa ICU, maliit nalang daw ang chance na makasurvive pa ako, kinabukasan nagulat sila nawala lagnat ko, at di na bumalik pa, mabilis akong nakarecover at nakalabas ng dec. 30, pinilit kong magbagong taon sa labas, sawa nako maputukan sa loob, choz, erase.. erase.. erase.. kahit tanggap ng magulang ko ang sitwasyon ko may mga nagbago, madami. Madaming tanong na di ko alam sagutin. Nagpahinga ako ng ilang buwan, at inayos yung pagtransfer ko sa H4 OPD mula sa Manila Social hygiene, pinalitan ang gamot ko ng efavirenz, lamivudine at zidovudine. O.k panibagong adjustment ulit. Inisip kong may dahilan kung bakit buhay padin ako, na binigyan ako ng pangalawang pagkakataon kaya kahit gahol sa panahon nagself review ako at nagretake ng licensure examination, bongga nakapasa ang lola nyo. Akala ko o.k na ang lahat, nagbakasyon kami. Nag apply ako ng trabaho at natanggap sa iba’t ibang kumpanya. Hanggang sa ika-6 months ko ng pag inom ng ARV, nadiagnose akong may severe anemia dahil sa side effect ng zidovudine, kaya pla lately, sobrang sakit ng batok ko, nanghihina, halos di makahinga, lagging hapo, at parang mabubuwal anumang oras, kasama ko nagpacheck up nanay ko. Di na kami pina uwi nacomfined na naman akira, jusko. 8-11 bags ng dugo ang kailangang isalin sakin. Sanay na ako, di na ako nagulat, jusko! Sa mga nangyari ba naman sa buhay ko may ikakagulat pa ako? Handa na akong mamatay kahit anong oras mga bes, tanggap ko na. ayun nasalinan na ako ng dugo at pinalitan na naman ang aking putting bato, jusko nagging 3-in-1 na sya, Efavirenz, Lamivudine and tenofovir ata yung combination. Ngayon eto unemployed medyo, di naging maayos yung leave ko sa pinapasukan kong company, na balak ko naman talagang pagresignan. Madami akong natutunan sa buhay dahil sa pagkakaroon ng royal blood, oiii hindi yung softdrinks na royal, na true orange yung tinutukoy ko ahhh.:)
Narealize ko na kahit sino ka pa, wala kang ligtas sa pagkakaroon ng royal blood.
Na walang ibang makakatulong sa sarili mo kundi sarili mo, mas mabuting ipaalam sa pamilya at sa piling mga nilalang ng mundong eto hindi taga encantadia ahhhh… ang kondisyon mo di ka nag-iisa, MAY MAKAKAUNAWA SA MGA PINAGDADAANAN MO WAG MO SARILININ ANG PROBLEMA, ano to remake ng pasan ko ang daigdig? May malalapitan ka pa! si God, lagi mong tandaan na lahat ng nangyayari sa buhay naten may dahilan, oo, maaaring sa ngayon di naten alam ang dahilan pero sooner or later marirealize din naten yan, thankful ako dahil buhay pa ako, thankful ako dahil maaga kong nalaman ang kondisyon ko, thankful ako sa mga taong handing tumulong sa atin, sa mga organisasyon at NGO’s, thankful ako na kaya ko padin ngumiti, thankful ako na nagagawa ko padin ang mga dati kong nagagawa, thankful ako may pag-asa pa sa bawat isa. Ipinapanalangin ko lahat may royal blood ka man o wala n asana ilayo tayo sa mga sakit, n asana balang araw Makita naten ang tunay na kaligayahan, na magsilbi sana itong aral para sa atin hindi upang magsisi kundi para mas mahalin naten an gating mga sarili, na sa pagkakataong ito unahin naman naten an gating kapakanan na sa bawat pagsigaw naten ng DARNA, lumakas tayu, tulad ni darna, maging superhero tayo para sa bawat isa di man sa pinansyanl na aspeto kundi bilang isang kaibigang handang makinig at umunawa. Charot ang haba na ng post ko. O sya gora na akira, ding ang puting likido akin na! DARNA!
[text_hash] => 2facb1fa
)