Array
(
[text] =>
MGA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA HIV INFECTION/AIDS
Ang kalusugan ay itinuturing na kayamanan hindi lang ng isang Pilipino kundi ng buong lipunan. Kung ang isang tao ay malusog, ang mga taong nakapaligid at may malapit na kaugnayan sa kaniya ay magkakaroon ng kompyansa na makipag-usap, makipag-ugnayan at magkaroon ng personal na relasyon sa kaniya at may sapat na kompyansa para mabuhay ng masaya, ng may dignidad at ng may pagtanggap sa lipunang kaniyang ginagalawan.
Kadalasan, ang ganitong senaryo ay hindi tinatamasa ng isang taong may malalang sakit, lalong-lalo na ang mga biktima ng AIDS na itinuturing na nakakahiyang sakit o stigmatized disease. Karamihan kasi ng mga nagkakaroon ng HIV/AIDS ay nakakaranas ng pagtanggi sa kanilang totoong kalagayan, pagkagalit sa sarili at sa mundo, at depresyon. Marahil ito ay dahil na rin sa ang HIV/AIDS ay hindi nagagamot at karamihan sa mga taong nagtataglay nito nakakaranas ng pagtanggi at pag-iwas ng mga dating kaibigan at ng ibang tao, diskriminasyon sa paaralan, trabaho at iba pang social contexts, at pagbabansag na sila ay mga bakla o kaya ay drug addict.
Ang mahalagang bagay na dapat malaman kung bakit ang HIV ay isang mapanganib at nakamamatay na impeksyon ay ang mabilis na pagkalat nito sa katawan ng isang tao. Kapag ito ay pumasok na sa katawan ng isang tao, ang proseso ng pagkalat o replikasyon ng virus ay mabilisan lalo na kung ang katawan ay walang sapat na paglaban dito.
Sa pagsasaliksik, natagpuang may dalawang klase ng HIV; ang HIV1 at HIV2. Sa pagtakalay ng usaping ito pipilitin na maipakita ang mga possibleng kaibahan ng dalawang klase ng HIV sa kabila ng magkaparehong paraan ng pagsasalin o “transmission” tulad ng hindi ligtas pakikipagtalik, at blood contact.
Ang HIV1 ay pinaniniwaalang nagmula sa mga gorillas at chimpanzees, at ang HIV2 na nagmula sa sooty mangabeys na matatagpuan sa Senegal, Ghana.
Ang mga naitalang kaso ng HIV ay higit na mas nakakarami sa HIV1 kung ikumpara sa HIV2. Ito ay sa kadahilanang ang HIV2 ay sa lugar ng west Africa lamang matatagpuan hindi katulad ng HIV1 na laganap na sa buong mundo.
Ang mga gamot na napag-aralan tulad ng antiretroviral therapies ay higit na pinagtutuunan ang HIV1 (kung saan ito ay epektibo upang makontrol ang pagkalat ng virus sa katawan ng isang tao) dahil sa ito ay mas pangkaraniwan kumpara sa HIV2.
At, ang HIV2 ay mas higit na mabagal ang progreso at mabagal na nakakapagpahina ng immune system ng isang tao kung ihahantulad sa HIV1. Maging ang pagpasa ng HIV2 ay hindi kasing bilis tulad ng HIV1.
Sa kabila ng magkaibang klase ng HIV, maaring magkatulad ang mga sintomas at palatandaan ng impeksyon. Ang dalawang klase ng HIV ay maaring humantong sa puntong tinatawag na AIDS kung ang katawan ng isang tao ay walang sapat na panlaban sa pagkalat ng virus, isang bagay na dapat tandaan at huwag ipagbahala.
Ayon sa Center for Disease Control and Prevention, ang AIDS (Acquired Immune Deficiency Syndrome) ay isang nakamamatay na sakit na bunga o dulot ng virus na tinatawag na HIV (Human Immunodeficiency Virus). Ang virus ay umaatake sa sistema ng panlaban sa sakit ng tao – ang lymphocytes oT-helper cells. Ito ay isang uri ng white blood cell (leukocytes) na siyang pangunahing depensa ng katawan laban sa mga sakit. Sinisira nito ang mga bacteria at virus at iba pang microorganisms na pumapasok sa katawan ng tao. Ang normal values ng T-helper cells ay nasa 1000 cubic millimeters (20% – 40% of total leukocyte count). Kapag mas mababa sa 200 ang bilang, ang depensa ng katawan ay humihina, madaling_kumapit ang iba’t ibang impeksiyon at kanser, at itinuturing nang indikasyon na ang biktima ay may AIDS.
Ilan sa mga katangian ng taong may sakit na AIDS maliban sa mababang bilang ng mga T-helper cells ay ang pagiging positibo sa pagsusuri hinggil sa HIV, ang pagkakaroon ng ilang natatanging karamdamang kagaya ng ‘Kaposi’s Sarcoma’ (isang agresibong kanser na tumutubo sa balat o sa bibig), Pneumocystis carinii pneumonia (PCP), Tuberculosis, at iba pang sakit na dulot ng mga fungi.
Maaaring magkaroon ng AIDS ang kahit sinumang tao. Noong taon 2010, tinatayang 34 milyon na tao sa buong mundo ang namumuhay na may HIV virus, 1.8 milyon ang namatay dahil sa AIDS, at 271 Filipino OFWs ang naitala na may HIV/AIDS. Naalarma ang UN upang gumawa ng mga hakbangin para mapigilan ang pagkalat ng HIV/AIDS at inilagay na layunin ng bawat kasaping bansa na masugpo ang AIDS hanggang taong 2015 at ang pagkatatag ng UNAIDS bilang pangunahing kamay ng UN sa pagpigil ng paglaganap at pagmomonitor ng mga kaso ng HIV/AIDS sa buong mundo.
Palatandaan: Kabilang sa mga sintomas ng pagkakaroon ng HIV at AIDS:
i) ang pamamaga ng mga kulani (lymph nodes) na tumatagal ng may mga tatlong buwan, ii) pag-ubo at pagkakaroon ng lagnat na tumatagal ng may higit sa isang buwan, iii) pagiging madaling mapagod kahit wala namang ginagawa, iv) ang pagbaba ng timbang, pangangayayat, v) mga sugat o sakit sa balat na hindi gumagaling, at vi) ang pagtatae. Maaaring tumagal ang impeksiyon simula 5-10 taon bago maging ganap na AIDS ang sakit. Sa kadalasan, walang nakikitang mga palatandaan ang isang taong may impeksiyon sa HIV.
Paghawa: Naisasalin ang HIV sa ibang tao sa pamamagitan ng: i) pakikipagtalik na walang proteksiyon sa isang taong may HIV o AIDS, ii) sa pagsasalin ng nakontaminahang dugo, iii) sa paghiram ng heringgilyang ginamit ng taong may HIV/AIDS, iv) paggamit ng mga hindi malinis na karayom ginamit sa pagpapatattoo o body piercing, at v) ng isang inang may HIV o AIDS sa isang sanggol sa kapanahunan ng pagdadalantao, panganganak at pagpapasuso.
Ang sinumang napatunayang positibo sa HIV ay maaaring maisalin o mahawaan ang iba kaya’t hindi siya maaaring magbigay ng kaniyang dugo, plasma, organ, at semilya. Ang isang taong may impeksiyon sa HIV ay nararapat lamang na balaan ang sinuman na kaniyang makakatalik tungkol sa kaniyang pagiging positibo sa HIV. Ipinapayo na gumamit ng proteksiyon gaya ng paggamit ng kondom. Gayunman, may panganib na mahawa sa impeksiyon kahit na gumamit ng kondom kapag nabutas iyon.
HINDI nakukuha ang HIV mula sa paghahalikan, laway, yakapan, pag-ubo, luha, pawis, pagbahing, pakikipagkamayan, paghihiraman ng damit, pakikisalo sa pagkain, paghiram ng kubyertos, kagat ng lamok o paggamit ng kubeta.
Paano mahahawa ang isang tao ng AIDS?
Mahahawa ang isang tao ng sakit na AIDS (Acquired immune deficiency syndrome) kapag nakontamina ang kanyang dugo ng HIV (Human immunodeficiency virus).
Sa paanong paraan pwede itong makuha ng isang tao? Narito sa ibaba ang mga paraan kung paano pwedeng makuha ng isang tao ang HIV.
1. Pagsasalin ng dugo – Kapag sya ay nasalinan ng dugo na may HIV. Sa ganitong kaso ang probabilidad na mahawa ang isa tao ng HIV a halos nasa 90%. Kaya importante lalong lalo na sa mga ospital at mga klinika na eksaminin ng mabuti ang mga taong nag-dodonate ng dugo para maiwasan ang pagkakahawa ng mga taong masasalinan nito.
2. Pag-gamit ng kontaminadong hiringgilya – May mga ilang klase ng droga na kinakailangan iturok sa katawan ng tao para mas mabilis na maramdaman ang epekto. Sa hindi maingat na paggamit ng hiringgilya ay pwede itong makahawa ng HIV lalo na kung higit sa isang beses na ginamit ang hiringgilya at itinurok ito sa taong may HIV at itinurok pang muli sa isang taong walang HIV. Maaring maipasa ang HIV sa ganitong sistema dahil naiiwan ang virus sa karayom ng hiringgilya. Ang dugo nating mga tao ay masyadong sensitibo, kaya ang paggamit ng mga hiringgilya ay dapat na isang beses lang! Pagkatapos nitong gamitin ay agad itong itapon sa tapang basurahan.
3. Pagbubuntis – Pwedeng maipasa ng isang ina ang HIV kung sya ay meron nito) sa kanyang ipinagbubuntis. Isa ito sa pinakamasakit na katotohanan na kinakailangang tanggapin ng mga ina na may HIV. Pero 25% lang ang probabilidad na maaaring mahawa ang sanggol mula sa sakit.
4. Pakikipagtalik – Paano ba nakakahawa ang HIV sa pakikipag-sex o pakikipagtalik? Tulad ng sinabi ko ang HIV ay kumakapit sa dugo ng tao at naililipat ito sa pamamagitan ng pagsasalin ng dugo.
Masyadong sensitibo ang ari at ang rectum (tumbong) nating mga tao, sa madaling salita, mas manipis ang balat sa parte ng katawan natin dito. Pag nagtatalik ang dalawang tao na walang proteksyon at masyadong mabilis ang “pag-bayo” ng lalaki sa kanyang kapareha ay nagkakarron ng maliliit na sugat o gasgas sa ari ng mga ito lalo na kung hindi sapat ang lubrikasyon. Sa madaling salita, dahil manipis at sensitibo ang ari at ang tumbong ng tao, madali itong magagasgasan at masusugatan kapag nagkiskisan ang mga ito sa proseso ng pagtatalik. Minsan hindi natin mahahalata na may sugat na pala ang ating ari kapag tayo ay nakikipagtalik dahil minsan masyadong maliliit ang mga gasgas na nalilikha nito. Sa ganitong paraan nakakahawa ang HIV pero sa mas mababang probabilidad.
Mga tanda at sintomas ng HIV/AIDS
Ang impeksiyon o pagkahawa ng HIV-1 ay kaugnay ng patuloy na pagbaba ng bilang ng CD4+ na selulang T at pagdagdag ng bigat na viral na lebel ng HIV sa dugo. Ang yugto ng impeksiyon ay maaaring matukoy sa pamamagitan ng pagsukat ng bilang ng CD4+ na selulang T at bigat na viral ng pasyente.
Ang mga yugto ng impeksiyong HIV ay impeksiyong acute (na kilala rin bilang pangunahing impeksiyon), latensiya at AIDS. Ang impeksiyong acute ay tumatagal ng ilang mga linggo at maaaring kabilangan ng mga sintomas gaya ng lagnat (fever), lymphadenopathy (pamamaga ng kulani), pharyngitis (masakit na lalamunan o sore throat), rash, myalgia (kirot sa masel), malaise, at mga singaw sa bibig at lalamuna. Ang yugtong latensiya ay sumasangkot sa kaunti o walang mga sintomas at maaaring tumagal mula 2 linggo hanggang 20 taon o higit pa depende sa indibidwal.
Ang panghuling yugto ng pagkahawa ng HIV ang AIDS. Ito ay inilalarawan ng mababang bilang ng CD4+ na selulang T (mas kaunti sa 200 kada mikrolitro) at paglitaw ng iba’t ibang mga oportunistikong impeksiyon, kanser at iba pang mga kondisyon.
Ang maliit na lebel ng mga impektado ng HIV-1 na indibidwal ay nagpapanatili ng mataas na lebel ng mga CD4+ na selulang T nang walang terapiyang antiretroviral. Gayunpaman, ang karamihan sa mga ito ay may natutuklasan (detectable) na bigat na viral at kalaunan ay tumutuloy sa AIDS nang walang paggamot bagaman mas mabagal sa iba.
Ang mga indibidwal na ito ay inuuri bilang kontroler ng HIV o pangmatagalang hindi tagatuloy (long-term nonprogressors o LTNP). Ang mga indibiwal na nagpapanataili ng bilang ng CD4+ ng selulang T at mayroon ring mababa at hindi matutuklasang bigat na viral nang walang paggamot ng antiretroviral ay tinatawag na mga elitistang kontrol o mga elitistang tagasupil.
I. Impeksiyong acute (Acute HIV infection)
Mga pangunahing sintomas ng impeksiyong HIV
Ang impeksiyong HIV ay pangkalahatang nangyayari sa pagpapakilala ng mga pluidong pangkatawan mula sa impektado indibidwal (indibidwal na may HIV) tungo sa katawan ng isang indibidwal na hindi impektado (indibidwal na walang HIV). Ang isang yugto ng mabilisang replikasyong viral ay nagreresulta, na nagdudulot sa pagsagana ng virus sa periperal na dugo. Sa yugto ng pangunahing impeksiyon, ang lebel ng HIV ay maaaring umabot ng ilang mga milyong partikulo ng virus kada mililitro ng dugo.
Ang dugong ito ay sinasamahan ng maliwanag na pagbagsak ng bilang ng mga sumisirkulong CD4+ na selulang T. Ang acute na viremia na ito ay iniuugnay sa halos lahat ng mga pasyente sa aktibasyon (pagpapagana) ng CD8+ na mga selulang T na pumapatay ng mga selulang impektado ng HIV at kalaunan ng produksiyon ng antibody o seroconversion. Ang dugong CD8+ na selulang T ay ipinagpapalagay na mahalaga sa pagkokontrol ng mga lebel ng virus na sumusukdol (peak) at pagkatapos ay bumabagsak habang ang bilang ng CD4+ selulang T ay muling tumataas. Ang isang mabuting dugong CD8+ na selulang T ay inigunay sa mas mabagal na pagpapatuloy ng sakit at isang mas mabuting prognosis bagaman ito ay hindi nagtatanggal ng virus.
Sa yugtong ito (na karaniwang ay 2-4 linggo pagkatapos ng pagkakalantad), maraming mga indibidwal ay nagkakaroon ng influenza o tulad ng mononucleosis na sakit na tinataag na acute HIV infection na ang pinakaraniwang mga sintomas ay kinabibilangan ng lagnatlymphadenopathy, pharyngitis, rash, myalgia, malaise at mga singaw sa bibig at lalamunan, at maaari ring kabilangan ng mas hindi karaniwang sakit sa ulo, nausea, at pagsusuka, lumaking atay/spleen, pagbawas ng timbang, thrush, at mga neurolohikal na sintomas. Ang mga impektadong indibidwal ay maaaring makaranas ng lahat o ilan o wala sa mga sintomas na ito. Ang tagal ng mga sintomas ay nag-iiba iba na ang aberahe ay 28 araw at karaniwan ay tumatagal ng hindi bababa sa isang linggo.
Dahil sa mga hindi spesipikong kalikasan ng mga sintomas na ito, ang mga ito ay kadalasang hindi nakikilala bilang mga tanda ng impeksiyong HIV. Kahit pa ang mga pasyente ay pumunta sa kanilang mga doktor o hospital, ang mga ito ay kadalasang nabibigyan ng maling diagnosis na merong may isa sa mas karaniwang mga nakahahawang sakit na may parehong mga sintomas. Dahil dito, ang mga pangunahing sintomas na ito ay hindi ginagamit sa pagda-diagnos ng impeksiyong HIV dahil ang mga ito ay hindi nakikita sa lahat ng mga kaso at dahil sa marami sa mga ito ay sinasanhi ng ibang mas karaniwang mga sakit. Gayunpaman, ang pagkilala ng sindroma ay mahalaga dahil ang pasyente ay mas nakahahawa sa yugtong ito.
II. Impeksiyong kroniko (Chronic HIV Infection)
Ang isang malakas ng pagtatanggol ng sistemang immuno ay nagbabawas ng mga partikulong virus sa daluyang ng dugo na naghuhudyat ng pagsisimula ng pangalawa o kronikong (chronic) impeksiyong HIV. Ang pangalawang yugto ng impeksiyong HIV ay iba iba mula 2 linggo hanggang 20 taon. Sa yugtong ito ng impeksiyon, ang HIV ay aktibo sa mga kulani na karaniwan ay patuloy ang pamamaga bilang tugon sa malaking mga halaga ng virus na nabitag (trapped) sa follicular na dendritikong selulang network. Ang mga nakapaligid na tisyu na mayaman sa CD4+ na selulang T ay maaari ring maging impektado at ang mga partikulong viral ay natitipon sa parehong mga impektadong selula at bilang malayang virus. Ang mga indibidwal na nasa yugtong ito ay nakahahawa pa rin. Sa panahong ito, ang CD4+ CD45RO+ na selulang T ay nagdadala ng karamihan sa mga bigat na proviral.
Sa yugtong ito ng impeksiyon, ang unang pagsisimula ng terapiyang antiretroviral ay malaking nagpapaigi ng pagpapatuloy (survival) ng buhay ng indibidwal na may HIV kumpara sa mga indibidwal na may ipinagpalibang terapiya.
III. AIDS
Kapag ang bilang ng CD4+ na selulang T ay bumagsak na mas mababa sa kritikal na antas ng 200 selula kada mililitro, ang pinamamagitang selulang immunidad ay nawawala at ang mga impeksiyon na may iba ibang oportunistikong mikrobyo ay lumilitaw. Ang unang mga sintomas ay karaniwang kinabibilangan ng katamtaman at hindi maipaliwanag na pagbawas ng timbang, paulit ulit na impeksiyon sa traktong respiratoryo (gaya ng sinusitis, bronchitis, otitis media, pharyngitis), prostatitis, skin rashes, at mga singaw sa bibig.
Ang mga karaniwang oportunistikong mga impeksiyon at tumor na ang ang karamihan ay kinokontrol ng masaganang CD4+ ang pinamamagitan ng selulang T na immunidad ay nagsisimulang makaapekto sa pasyente. Sa karaniwang ang resistansiya ay nawawala sa simula sa pambibig na espesye ng Candida at Mycobacterium tuberculosis, na tumutungo sa karagdagang pagiging marupok sa pambibig na candiasis (thrush) at tubercolosis. Sa kalaunan, ang muling pagpapagana ng latentong herpes viruses ay maaaring magsanhi ng paglala ng muling paglitaw ng herpes simplex eruptions, shingles, Epstein-Barr virus-induced B-cell lymphomas, o Kaposi’s sarcoma.
Ang Pneumonia na sanhi ng fungus na Pneumocystis jirovecii ay karaniwan at kalimitang nakamamatay. Sa mga huling yugto ng AIDS, ang impeksiyon sa cytomegalovirus (na isa pang herpes virus) o Mycobacterium avium complex ay mas nakikita. Hindi lahat ng mga pasyenteng may AIDS ay nakakakuha ng lahat ng mga impeksiyong ito o tumor at mayroong mga ibang tumor at impeksiyon na hindi gaanong makikita ngunit mahalaga pa rin.
Pag-iwas at pag-iingat:
A – abstinensiya (pagpipigil at pagtanggi)
B – be faithful (isa lang ang katalik)
C – correct condom use
D – droga iwasan o “don’t take drugs”
E – early diagnosis and treatment (maagang pagpapatingin at pagpapagamot sa doktor o pagamutan)
Lunas at paggamot: Sa kasalukuyan, wala pang natutuklasang lunas para sa HIV, subalit maraming pag-aaral ang isinasagawa para sa mga gamot na magagamit laban sa HIV/AIDS, na maaari ring ganap na lunas o bakuna laban sa HIV. Tanging sa pagsusuri ng dugo lamang malalaman kung may sakit na HIV ang isang tao at ito ay lihim o kumpedensyal na isinasagawa. Ang pagsubok ng HIV ay binubuo ng inisyal na screening sa isang ELISA (enzyme-linked immunosorbent assay) upang matukoy ang antibody sa HIV. Inuulit-ulit ito at sa final screening ay ginagamit ang Western blot para sa pagkompirma na positibo ang isang tao.
Mahalaga ang regular na Vaginal PAP smear upang masubaybayan ang impeksiyon sa HIV dahil mataas ang panganib na magkakanser sa cervix ang may HIV. Ang Anal PAP smear ay kailangan din upang malaman kung may posibilidad ng kanser ang lalaki at babae nahawa sa HIV.
Ang Antiretroviral therapy (ARV), gaya ng mga Protease Inhibitors ay sumusugpo sa paglala ng HIV virus sa katawan. Ang kumbinasyon ng iba’t ibang antiretroviral agents na sinasabing may mataas at aktibong ARV (HAART) ay sinasabing epektibo sa pagpapababa ng bilang ng HIV particles sa pagdaloy ng dugo na sinusukat sa tinatawag na viral load.
Maaari itong makatulong sa sistema ng panlaban sa sakit ng tao at mapataas ang bilang ng T-helper cells.
Ang HAART ay koleksiyon ng iba’t ibang uri ng gamot, na may di-inaasahang epekto sa katawan. Ilan sa mga ito ang pagkahilo, sakit ng ulo, panlalambot, at pag-iimbak ng taba sa likod at sa tiyan. Kapag ginamit ng matagalan, ang gamot na ito ay nakapagpapataas ng panganib ng atake sa puso dahil pinalalaki nito ang antas ng lipids at glucose.
Ang HIV ay may dalawang (2) strain o uri: ang HIV-2 ang siyang kadalasang natatagpuang strain sa mga biktima ng HIV sa Africa kung saan matatagpuan ang 70% ng mga taong may HIV/AIDS sa buong mundo. Samantalang HIV-1 strain naman ang kadalasang matatagpuan sa mga HIV/AIDS victim sa Amerika. Isa sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ring gamot sa HIV/AIDS ay dahil sa ang mismong birus ay nagpapalit-palit ng anyo at kadalasang nagtatago sa mga parte ng katawan na hindi naaabot ng mga gamot na ARV gaya ng utak at spinal cord. Dahil dito, ang pinakamabisa pa rin na dapat gawin ng isang taong ayaw magkaroon ng HIV/AIDS ay iwasan ang mga gawaing may mataas ng pagsalin ng HIV sa kapwa tao.
[text_hash] => dac8275a
)