Array
(
[text] =>
Just want to share.
I was rushed to the hospital last yr sept. due to stroke-liked (sa buong left side ko.)
At emergency room, pre assessment ginawa saken and all that. ER doctors advised to confine me… nagpaconfine n din ako, sabi na din ni mama.
i was in the hospital for more than 2 weeks, during sa period na to mga test ang ginawa saken..
Ct scan, MRi, blood tests, ultrasound.. etc… then after sometime i was diagnosed to have Lymphoma (toxoplasmosis ata din).
I was worrying kc gastos sa pamilya ko ang mga naganap.
umuwi ibang pamilya ko from abroad.. they all crying (kahit di nila pinapakita, naramdaman ko ang worry nila saken).
family, friends, teachers, pati partner ko talagang todo nagworry..
Limang doctor ang tumingin saken. turok doon.. turok ulit dito. ang sakit pati bills namen an laki.
At ang cd4 ko in-explain saken.. result: 9. I was really really WEAK.
kinomfort ako ng doktor.
Hindi din naging madali after ako ma discharge from the hospital…
Nadepress ako inspite of the support na pinakita saken.
QUESTION? alam ba ng pamilya at partner ko ang case ko?
yes.. sabi ng mga doctors na tumingin saken.. nasa saken kung confidential sa amin ang case ko pero much better na ipaalam ko at tutulungan nila ako mag explain and all.
SIEMPRE, NAGDASAL AKO.. THEN.. AFTERWARDS SINABI NAMEN NA REACTIVE ANG hiv testing ko, pero dinala pa sa san lazaro for confirmatory.
After few weeks, binigay ng nurse ang result ng confirmatory.. POSITIVE nga. Humagulgol ako sa hospital..
Pinilit kong magpalakas pero one time bigla ko nalang di mainom mga gamot ko di rin ako makakain. Na hospital na naman ako ng almost 2 weeks. At the coming months na hospital na naman. Again and again..
Nagka oral thrust, severe anemia(dahil sa arv med ), infection sa lower back.. etc.. sabi ko.. wala na bang katapusan ang pain ko??
Pero mas nanaig padin saken ang lakas ng loob at faith ko sa taas na gagaling din ako gaya ng sinasabi ng mga kapamilya ko, doctor pati narin partner ko (na di nman hiv +).
come to date… Voila! nalampasan ko na ang hirap at sakit.
i’ve learned na maging honest ako sa sarili ko.. iiyak ko lang and acknowledge na i am weak at times, pero hindi dapat ako makulong lang doon, bagkus alalahanin ko mga sacrifices and support ng mga tunay na nagmamahal saken.
hindi naman ako naging masamang tao.. at wala nman akong krimen na ginawa. Kaya mas nanaig pa din saken ang lumaban at magpatuloy para sa pamilya, partner ko, sa mga naniniwala sa akin at maging nadin sa sarili ko.
Goodbye but thank you wheelchair!
ngek bakit WHEELCHAIR?? hahaha..
yun kasi ang naging nagsilbing paa ko noong times na hindi ako nakakalakad sa sobrang hinang-hina na ngayo’y okay na ako.
pero mas thankful ako sa partner ko, relatives ko, at family ko.. sa pagbili ng gamot, right foodies, pagpaligo sa akin, sa mga friends, doctors at nurses sa support nila.
at lalu na kay Bro, na binigyan ako ng pangalawang pagkakataon!
ayun tumulu na luha ko.. awwwwwww.
Kaya sa mga naghihirap dian in any way/s, KAPIT LANG AND BE POSITIVE +.
[text_hash] => d7e49d84
)