BLOOD BROTHERS (BOYXBOY) – URURU – Read boyxboy Novel Online Free
// qc

BLOOD BROTHERS (BOYXBOY) - URURU

Array
(
[text] =>

Magandang Buhay sa atin pong lahat. Tawagin nyo nalang akong Ururu. Isang PLHIV…Under HAART for more than 8 months. E share ko lang ang kwento ng buhay ko… I started my risky behaviour when I started college. Nong unang natikman nasarapan kaya nagpatuloy. Walang gabi na wala akong ka sex… babae…lalaki… parang naging habbit ko na… Di ako gumagamit ng condom…Kahit saang lugar walang pinipili…sinehan…CR…sa damuhan o kahit saang pwede… Madami akong naging karelasyon… Dumating yung araw na tumatangap ako ng bayad sa pakikipagsex madaming indecent proposals ang na offer… Yung iba tinatanggap yung iba hindi pero kadalasan nagpapasarap . Walang proteksyon walang alam sa kung ano ang risk na mangyayari. Dumating yung isang panahon na may nakilala akong lalaki… gwapo matangkad mukhang inosente… Nagkayayaan kaming magtalik… Naulit yin ng dalawang beses na magkasunod na gabi… pero nong pangatlong gabi nahihirapan na akong umihi… tumagal yun hanggang meron ng nana na lumalabas… Nagtago lang ako natakot kasi akong may maka alam… Dumaan ang ilang linggo nawala lang din naman yun… Umpisa non natigil pamsamantala ang pakikipag talik ko…Hanggang lumipat ako ng ibang lugar don na ulit nag umpisa ang risky na gawain ko… Dalawa…tatlo sa isang gabi ang nakakatalik ko… Ganun pa din ang scenario dinadalhan ako ng pagkain binibigyan ng pera tapus magparaos. Hanggang sa nagkatrabaho ako wala pa ding tigil ang sexlife ko.Dumating yung punto na nakilala ko ang taong magpapatibok ng puso ko… Nagkakilala kami sa trabaho hanggang sa nagpasya kaming magsama sa iisang bobong… Bago pa man naging kami ay ganun din ka risky ang sexlife nya madami na din syang nakatalik iba iba din. Okay naman sa una ang pagsasama namin pero di ko malilimutan na pag aaway ang bonding naming dalawa…Walang araw na di kami nag aaway… pero kahit ganun di kami nagkahiwalay. Pero ang pinaka malaking pagsubok na dumating sa aming buhay ay nong magkasakit sya… Nagpa check up sya…sabi pneumonia lang daw… nirisitahan sya ng gamot…pero di sya gumagaling hanggang umabot na nahihirapan na syang huminga… kaya sinabi na namin sa magulang nya… Kala ng magulang nya kinulam daw sya kaya dinala sya sa lugar ng mga manggagamot… pinainom ng kung ano ano… pero wala pa din. Pinabalik ko sya sa amin dinala ko na sa hospital at pinakonfine… May isang doctor don nagbulong na etetest daw yung dugo nya sa HIV kasi may mga symptoms na sya… Nag oo lang naman kami…After ng isang araw may pumuntang isang social worker sa room kung saan sya naka confine pinalabas kaming lahat sa kwarto maliban sa kanya at sa social worker… Kaya wala lang din ako…pero nong isang gabi binulungan nya ako umiiyak sya… habang naka oxygen… sabi nya sakin HIV positive nga dae sya… Nabigla ako pero nagpakatatag ako… Ako ang nagbabantay sa kanya sa hospital… Nagpapakain nagpapainom ng gamot ng papaihi ako ng papalit ng damit nya… Binigay ko lahat ng kaya ko para alagaan sya. Isang gabi, habang nanonood ako ng TV suminyas sya na lumapit ako sa kanya… Habang umiiyak sya… sabi nya “Sorry sa lahat lahat… palangga jud tika(i really love you)” Bilang ako nagpakatatag sa harap nya sinabi kong “Parang nagpapaalam ka naman nyan eh…wag ganyan lalaban tayo…Diba marami pa tayong plano?Kaya natin to…laban lang..kahit nangingilid na ang luha sa mata ko…Pinapakita kong matatag ako…Dalawang araw pagkatapus non 25th monthsary namin…Nag pasya akong mag pa HIV test.. andon naman ang kapatid nya para mapalitan ako mag bantay pananandalian. Bago pa man ako umalis ang sabi nya… “Pagod na ako gusto ko na muna magpahinga…” Wala lang sakin yung sinabi nya…Ngunit nong pag balik ko galing pagpapa test ginising ko sya kasi me dala akong cake surprise ko sa kanya… pero di na sya gumigising… madali akong tumakbo sa nurse station para sabihin tinry nila syang e revive… Habang ganun tumakbo ako sa kapilya ng simbahan nag dasal ako humingi na sana dugtungan pa nya buhay ng mahal ko… Pero tinawag ako ng kapatid nya umiiyak… wala na daw ang kuya nya… Gumuho ang mundo ko…Di ko alam ang gagawin…Tumakbo ako papuntang room kung nasaan sya… Nadatnan ko na nakahiga sya tinabunan na ng puting tela… Binoksan ko ito at tumatangis…Wala na talaga sya wala na yung taong mahal ko….

Matapus ang pangyayaring yun nong nailibing na sya… Pumasok ako sa isang support group na tumutulong sa mga PLHIV… Ngayon nag tetake na ako.ng ARV nabubuhay ng normal… Meron din akong nakilalang isang taong tanggap ako. Hindi sya HIV positive pero tanggap nya ako kahit Meron akong HIV… Sinusuportahan nya ako sa lahat ng bagay, at mahal nya ako…Ginagawa ko ngayon ay ang maging matatag positibong pananaw at ang magmahal… Kaya sa mga kagaya kong PLHIV wag kayong mag alala dahil ang buhay ay patuloy… May pag asa pa. Hindi karandaman ang HIV… Isa itong pagsubok ng buhay na dapat nating matutunan. Salamat sa inyong oras ng pagbabasa… Ang inyong lingkod Ururu Positibo Hataki…

[text_hash] => 34f3c328
)

//qc
//QC2