BLOOD BROTHERS (BOYXBOY) – TULA NI JUNO – Read boyxboy Novel Online Free
// qc

BLOOD BROTHERS (BOYXBOY) - TULA NI JUNO

Array
(
[text] =>

Pilit kong nilimot ang mga nagawang bagay na alam kong mali. Nagising ako isang umaga lumuluha ang aking mga mata, sinasabi ng aking isipan ito ba’y katapusan na? Ako pa ba’y normal tulad ng iba?… Nakabibinging katahimikan ang bumasag sa takbo ng aking isipan. Patuloy ang pag agos ng aking luha, pakiwari ko’y sumisigaw ang aking puso. Bumubulong ang bawat pangarap sa akin na tila ba unti unting lumilipad palayo at kumakapit sa hangin. Hindi ko alam ! Mali ako ako! Hindi ko dapat sapitin ang bagay na ito! Iyan lamang ang natatanging mga salita na naglalaro sa aking isipan matapos ang pagluha mula sa nakabibinging katahimikan. Pilit kong pinagmasdan ang dating kalawakan na ngayon ay tinuturing ko ng kawalan. Sumigaw ako upang humingi ng tulong, ngunit kahit isang imik at bulong ay walang dumating o pumansin sa malakas kong tinig. Sa puntong yaon isa nalamang ang aking nagawa, ang lumuhod at humingi ng tawad sa kanya. Ang sabihin sa may likha na panginoon salamat, salamat sa pagkakataon na maranasan ang mga bagay na ito. Salamat dahil sa mga oras na ito alam kong ikaw lamang ang nakaririnig nito. Salamat sapagkat alam kong lumiit ang aking mundo, mabilis na nawala ang mga tao sa paligid ko salamat..  Salamat dahil kilala mo ako😭 nagsimula na ang panibagong aklat ng buhay ko. Sa hamon na ito panginoon isa lamang ang alam ko, walang ibang patutunguhan ang buhay ko kundi sa iyo na nagbigay nito. Isa lamang ang dalangin ko, ang iwasang dumagdag sa lungkot ng aking mga minamahal. Ang subukang hanapin ang aking sarili at tulungang bumangon muli. Ngunit lagi ninyo sanang tandaan bilang kayo ay aking minamahal, habang ako’y palayo dahan dahan kong iniiwan ang masasayang alaala sa inyong mga puso. Ang mga aral mula sa masasakit na nakaraan, ang bawat ngiti at halakhak na sabay sabay nating nalikha lahat ng iyon ay di mapaparam at laging sariwa sa aking diwa. Hanggang dito na lamang muna ang aking masasabi, huwag kayong mabahala sapagkat araw lamang at gabi ang aking magiging pagkawala sa inyong tabi. Tayo’y makikita sa panahon na ako’y malakas na at kaya na muling humalakhak at tumawa. Lagi ninyong tatandaan naging masakit man ang ilan sa ating mga nakaraan ngunit di nito matutumbasan ang bawat tamis na nagdaan.

Salamat .

[text_hash] => 42044890
)

//qc
//QC2