Array
(
[text] =>
Since Nov 2016 na naging POSITIVE ako. 2017 bumalik ako sa place namin. Yong akala mo na family mo lng nakakaalam about status mo ehh, nalaman na pala ng iba nong nasa ibang lugar kapa. (Mas nauna pa ung sakit ko na nalaman nila kesa sakin na pauwi) So yon nag stay na nga ako dto sa family house namin. Habang nag lalakad ako confidence ako na wala nakakaalam kasi hindi naman halata na may sakit ako . (Looksog kc ako😚😚) Pati mga relatives ko hindi q sinabihan. Then one time, kinausap ako pinsan ko and she ask me if totoo ba dw about sa sakit ko! I’m shock and bigla tumulo luha ko and I said yess, pero biktima lng ako kako.. She ask me if san ko dw nakuha and sinabi ko ngaaa. Tinanong ko cya if sino nagsabi sakanya kasi alam ko naman na wala ako sinabihan na iba maliban sa family ko. Akala ko siya lng nakakaalam . Until one time, ang dami ko na naririnig. Dami na pala nakakaalam. Sobrang tulo nang luha ko . Masakit na yong akala mo na tao na hindi ka ipapahamak eh siya pala nag sabi sa iba. (Hipag ko) since ginawa nia yon. Sobrang sakit . Nagalit ako . Never ko siya inaway. Pero habang tumatagal sabi ko . Bahala na, sila naman nagkakasala.. atleast alam ko sa sarili ko kong saan ko nakuha… Ako yong taong iiyak sa isang sulok at pag ok na lalabas at ngingiti ulit ☺. Ang dami ko narinig sa kapwa tao ko . Lalo na masakit na mga pinsan mo tuluyang nagkalat about sa sakit ko. Pero ok lng sabi ko .. Naiintindihan ko naman sila eh . Pag may naririnig ako, binibigyan ko nalang na may mga rason din sila… atleast hindi ako yong nang huhusga kundi sila. Laban lng. Kayang kaya☺☺☺
Halos buong lugar namin alam na nila about sa sakit ko. Panginoon nang bahala🤗🤗🤗😇😇😇
[text_hash] => 11361804
)