Array
(
[text] =>
SA LIKOD NG PULANG LASO
Ni: MakatàPos
Takot ako,
takot akong malaman ninyo na ako ay nagtatago sa likod ng pulang laso;
tahimik, pagal, at tila di na magtatagal.
Isang sampal,
mula sa dilim ng karumaldumal.
Buhay ko’ng sa tingin ng iba’y isang patapon,
ngunit lumalaban na lakas sa isip ang baon;
Isang hamon,
sa katulad kong nilamon ng kahapon.
Mata kong sinlabo ng bukas,
ikaw sana, sila, kayo ay makaintindi ng bakas.
Tumuklas ng bagong dahas;
hindi ako paham ng mga ahas.
Tiwala nila’y iba na, sakdal na kakaiba;
matatag pa akong nag-iisa —
magtiwala ka pa rin sana,
mahal kong ama, tulungan mo’ng iyong aba.
‘Pagkat dalamhati sa puso’y ‘sing lapad ng apog,
dibdib ko’y kumakabog;
isip ko’y pagod na pagod,
sa pambubuska ng mga táong tanod.
Ipipikit ko ang ngayon,
ididilat ko bukas,
mawawala ang lakas,
sa kuwadradong puti ang tikas.
Wakas . . .
©
[text_hash] => 98972483
)