BLOOD BROTHERS (BOYXBOY) – JED – Read boyxboy Novel Online Free
// qc

BLOOD BROTHERS (BOYXBOY) - JED

Array
(
[text] =>

Bago lang ako dito kaya sana bigyan pansin nyo ang story ko. Magtatago muna ako sa pangalang Jed 26 years old. Kailangan kong gawin ito dahil may takot ako dahil  sa phobia na dala ko ngayon. Isa akong OFW at isa akong bisexual pero 15 years old ako nung tumalikod ako sa pakikipag relasyon sa kapwa lalaki kasi nung nag 19 na ko, nagka baby na ko. Nabuntis ko ang kaklase ko pero pinanagutan ko at simula nun nawalan na ko ng gana at amor sa kapwa lalaki. 21 years old nung nag punta ako sa Kuwait. Sa isang hotel don ako nag work. Maliit na hotel lang at di ganon kasikat. Isa lang akong hotel personnel sapat lang din kinikita ko para sa pamilya ko. Pero nung nag isang taon na ko sa hotel don, dun ko naranasan na ma-rape ng isang lalaking arabian. Di ko gusto ung ginawa nya sakin una sa lahat may anak na ko at lalaki anak ko pangalawa mahal ko asawa ko at pangatlo ang panget ng arabo. Nagulat ako sa hotel na un dahil may nangyayari pa lang ganon don. May dalawang guests kami sa hotel at ako ang nag asikaso sa kanila. Parehas lalaki. Nung ikatlong araw na nila sa hotel tinawag nila supervisor ko at sinabi na dun daw ako patulugin. Syempre ayaw ko dahil takot ako sa balak nilang gawin ngunit wala ako nagawa. Sinabi sakin na ihohold daw sweldo ko at nasa kanila ang documents ko. At sinabi sakin na mag tiwala lang daw ako. Kaya sinunod ko employer ko. At don tama ang hinala ko dahil ni-rape ako. Pinagtulungan ako ng dalawang arabo. Nagalit ako sa employer ko at nag decide ako na mag resign. Ngunit di ako pinayagan. Pinag stay muna ako ng 3 months kahit araw araw pumapasok ako na may bigat sa dibdib ko dhil sa ginawa nila. Nalaman ko na normal pala sa hotel na yun ang nangyayaring ganon mapa lalaki o babae. Pag pumayag ka dagdag pera yun. May kaibigan ako don dalawang lalaki at dalawang babae kasamahan ko sa trabaho alam pala nila yung ganon na nangyayari at nangyari sa kanila yun ang kaso ay gusto nila ang nangyayari kasi mabilis silang nakakaipon kapag may kasamang pag poprosti. Malaki talaga ang pera na binibigay ng arabo. Last three months ko sa hotel may isa pang lalaki na arabo na nag request sa akin. Wala ako nagawa. Sinabi sakin na di ako makaka alis kapag di ako sumunod. At don galit na galit ako kasi binaboy ako. Tinali ako ng hayop na arabo na yun at di ako makawala. Pag alis ko sa hotel na yun nagpatulong ako sa embassy sa kuwait n tulungan ako maka uwi ng pinas ngunit di ako nakauwi dahil nagka sakit ang anak ko kaya napilitan ako na lumipat ng bansa. Tinulungan ako ng embassy na lumipat ng bansa. Sa Qatar naman ako napunta. Pero mas malala ang nangyari don. Pinasok ako sa pagawaan ng cellphone don. Nagtatrabaho kayo ng 24 hours. Di ko kinakaya kasi isang araw lang pahinga. Nakatira ako sa isang apartmen at puro kami lalaki ung iba galing vietnam at may ibang pinoy. Madami kami sa apartment kaya pinagtulungan nila na paalisin ako sa apartment kasi masikip na. Lumipat ako sa ibang apartment lima kami at puro sila arabo. Sobrang sama ng ginagawa nila sakin dahil makalipas lang isang bwan ginagahasa nila ako. Ang masakit apat silang pinag sasabay sabay ako. Napagtanto ko na mahilig talaga ang arabo sa pinoy. Nakikita ko kung san san laging may arabo at pinoy na magkasama. Nagpatulong ulit ako sa embassy na lumipat ng trabaho. Pinalipat ako sa saudi at don naman ay nag trabaho ako bilang delivery boy ng mga appliances. 5 months lang ako sa saudi pero may walong arabo na nang gahasa sakin. Isa don boss namin. Galit na galit ako. At sa ika huling bwan ko sa saudi napansin ko na nangayayat ako. At lagi na ko nagkakasakit. Pinacheck ako ng employer ko at nag positive ako sa HIV. Nalaman ng agency ko sa pilipinas at pina deport ako. Di ko masabi sa asawa ko ang dahilan kung bkt ako pinauwi. 2015 ako pinauwi dto sa pinas. Nalaman ng asawa ko ang kalagayan ko kaya nilayo nya sakin ang anak ko. Nagpunta sila ng probinsya. Di sya naniwala na na-rape ako. Ang alam nya kasi ay bakla pa din ako. May mga kaibigan ako na kaIbigan ko since high school at sila lang sumusuporta sa akin ngayon. Ngayon pinipilit kong lumaban at umaasa pa din akong gagaling ako para sa anak ko. Di matanggap ng asawa ko ang sinapit ko kasi di manlang daw ako nag sabi sa kanya na nagagahasa pala ako sa ibang bansa. Yan ang isa sa pinag sisihan ko. Kung bakit inunahan ako ng takot na sabihin sa asawa ko. Ngayon may isang grupo ng HIV ang sinalihan ko kaso umalis ako kasi kahit na may sakit na ang iba may nagaganap pa ding landian sa mga victims ng HIV. Ngayon umaayos ang kondisyon ko dahil sa mga kaibigan kong sumusuporta sa akin at sa Dyos. At sa nanay ko na kahit matanda na ay ako pa din ang inaalala.

[text_hash] => dbdc6e35
)

//qc
//QC2