Array
(
[text] =>
Help me ! I’m dying
Medyo mahaba itong isusulat ko pero sana matulungan niyo po ako.
Mahigit isang taon na po nung malaman kong HIV+ ako. Isang taon na din akong nakakulong sa madilim na parte ng buhay. Isang taon na din na hindi ako naniniwalang nag positibo ako at oo positibo “nga” talaga ako.
Galing ako sa pamilyang konserbatibo, kaya mahirap para saakin ang mag out din. Kahit na napapaligiran ako ng mga taong mapagmahal, feeling ko mag isa pa din ako. Walang pamilya, walang kaibigan.
Aug 2015 lumapit saakin ang childhood friend ko na tinuturing kong bestfriend. Masyado siyang natatakot noon dahil yung last na naka sex niya eh nag karoon siya ng problema sa pag ihi at sobrang paranoid siya dun. Dinamayan ko siya ng mga oras na yun. Sinamahan ko siya mag pa test kahit nahihiya ako. Sorry po salahat, nahihiya po talaga ko pero dahil mahal ko ang nagiisang kaibigan ko sinamhan ko po siya at para mabawsan yung kaba niya nag pa test na din ako kahit alam kong sa sarili ko eh negative ako dahil wala akong experience ng pasukan or nagpapasok. Oral sex opo. Na try ko siya dala ng kuryusidad sa buhay. Nakipag oral sex ako sa friend ng friend ko at malayong malayo na magkaroon ako nito dahil mababa lng ang risk na tamaan ka at sa buong buhay ko isang beses ko pa lng siyang ginawa. Bahay at School lng po ako. (Hindi po sa nagpapa goodboy ako pero seryoso po isang beses ko pa lng siyang ginawa)
Habang nag aantay ng results hindi ko alam bakit kinakabhan ako. Tinawag ako at pinapasok sa isang kwarto, nag tanong saakin yung doctor kung ako daw po ba ang magbubukas or siya. Sinabi ko na siya na lng dahil 100% sure ako na negative ako. Pag open niya ng resulta sinabi niya na reactive ako, positive ako. Na gulat ako at ayaw tanggapin ng utak ko na positibo nga ako at mas lalong ayaw kong tanggapin na totoo dahil isang napaka imposible. Maraming sinabi saakin si doc at walang ni isang pumasok sa isip ko dahil lutang ako. Lumabas kami ng bestfriend ko sa clinic at ngiting ngiti siyang umakbay sakin. Mag change daw kami ng resulta namin at hindi ako pumayag kaya sinabi niya na lng na non reactive siya, na negatibo siya. Bigla na lng akong napaiyak. Kasi bakit siya hindi ? Bakit ako ? Masyado siyang malandi at makati(Sorry sa words pero seryoso po). Samantlang ako isang beses ko pa lng ginagawaa, nadale pa ako. 2 araw akong di lumabas ng kwarto, iyak lng ako ng iyak at kinukwestyon ang diyos bakit ako ? Naging mabait nmn ako. Nag serve nmn ako ng buong puso pero bakit ako ? Pero dasal pa din ako ng dasal na sana hindi totoo. Na na mali lng test saakin.
After naming malaman yung resulta masyado atang masaya ang bestfriend ko at nakalimutan niyang kaylangan niya kong damayan. Ilang beses ko siyang niyaya na samahan akong mag pa test ulit or mag pa treatment na dahil alam kong imposibleng magkamali ang resulta. Kaya lng hindi matuloy tuloy yung plano ko dahil laging hindi pwede ang bestfriend ko. Hindi ko alam kung busy ba siya or talagang wala siyang pakelam saakin. 6mos kaming di nagkita. Pag uwi niya ulit saamin nag tanong siya kung kamusta na daw ba ako gusto ko sana siyang murahin at sapakin sa mukha dahil sa pang iiwan niya sakin kaya lng ngumiti na lng ako at sinabi sa kanya na false positive lng ako, na namali lng ng test saakin, na nag pa test ako sa san lazaro. Agad din nmn siyang naniwala sa kasinungalingan na yun at after nun hindi ko na siya gaanong pinansin dahil feeling ko ako lng ang may alam na bff kame.
1 year na kong nagiisa. 1 year na din akong nagmumukmok. Marami akong taong tinaboy. Pati family and ibang friends ko tinataboy ko. Maraming gustong lumapit para makipag kaibigan at ayokong madagdagan pa ang mga taong nakakakilala saakin dahil ayokong madagdagan ang mga taong huhusga saakin kapag namatay na ko. Kaya nilalayo ko ang sarili ko sa lahat. Naninibago ako sa sarili ko, hindi na din ako gaanong nag sasalita. Nag stop ako sa pag aaral dahil alam kong mamatay din nmn ako sooner or later. Ilang beses kong nag try magpakamatay. Opo, ilang beses. Ilang beses akong umaakyat sa rooftop ng mga buildings at nagtatangkang tumalon, ilang beses akong nag tangkang uminom ng gamot na binili ko sa botika para ma overdose ako, ilang beses akong humawak ng kutsilyo para tapusin ang buhay ko pero hindi ko magawa dahil may bumbulong saakin na malaking kasalanan ang gagawin ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi na. Grabe yung depression ko at pati pagdadasal nakalimutan ko na.
Habang nag nag browse ako sa fb. May nakita ako sa newsfeed ko na friend ko na naka like sa group na to. Agad kong dinalaw to at nagbasa ng mga experience ng taong kagaya ko. Naging silent reader ako dito. Gabi gabi akong nagbabasa sa group na to. Hanggang sa di ko namamalayan na nakakita na ko ng butas sa madilim na kinauupuan ko at gusto kong butasin pa iyon at sirain para mas lumiwanag dahil sawa na kong magpakaduwag. Tama na siguro yung isang taon na pag mumukmok at pag iyak. At salamat sa panginoon dahil until now wala pa din akong malalang sakit at hindi ako sakitin.
Napag desisyon ko ng lumaban at harapin at tanggapin kung ano man ang kahihinatnan ng journey ng buhay ko. Yayakapin ko kung ano man ang posibleng mangyari sa buhay ko. Tama na ang pag sira sa buhay ko. Tama na ang papakaduwag. Tama na ang pag iyak. Kaya kung sino man po ang kagaya ko wag kayong tumulad saakin. Wag kayong mag sayang ng panahon na baka pag sisishan niyo din sa huli, kagaya ko.
Alam kong hindi pa huli ang lahat saakin dahil medyo malakas pa nmn ako at hindi pa nmn halata sa itsura ko na positive nga ako. Sana wala pa ko sa aids, sana di pa ganoon kalala.
So kung sino man po ang mga kagaya kong nahihiya at takot. Sabay po tayong lumaban. Sabay po tayong mag pa treatment. Kaylangan ko din ng kaibigan at alam kong kaylangan mo din. Pm mo lng ako. Mag usap tayo kung kelan tayo lalaban. Promise hindi kita iiwan katulad ng pangiiwan saakin ng taong akala kong kaibigan. Godbless po sa lahat at maraming maraming salamat sa bumuo ng page na ito ! Mabuhay po kayo !
Sorry kung medyo madrama at parang tanga tong post ko. Thankyou sa pagmamahal sa simpleng pagbabasa nito hanggang dulo.
Ps* 20 years old pa lng po ako mga kuya. Gabayan niyo po ako kung paano at saan pwede akong magpa treatment.
Pss* wala po akong plano at lakas ng loob ipaalam sa magulang ko. Kaylangan ko po tlaga ng kaibigan
[text_hash] => bfcc448b
)