Array
(
[text] =>
HUMIHINGI PO AKO NG TULONG…
Ako po si Aldrin. 19 y/o kasalukuyang nasa Zamboanga City. Galing po ako ng Makati City. Na-diagnosed ako na positive sa HIV Virus noong October 2015 at nagsimulang uminom ng ARV’s nung December 2015. Nagtrabaho po ako dati sa call center pero simula noong ma-diagnosed ako ay pinatigil ako ng mama ko. Sya din po ang unang nakaalam na may sakit ako. Tumagal lamang po kami ng ilang buwan sa Manila mula noong ma-diagnosed ako at nagdecide na po si mama na iuwi ako ng Zamboanga City para daw marelax ako at makakain ng maayos so mula sa RITM-ALABANG nagtransfer po ako ng treatment hub. Nung una ayoko po kasi alam kong hindi magandang ideya yun kasi lalayo po ako sa pinakasentrong treatment hub sa bansa. Pero nagpumilit po siya pati narin mga tita ko (kapatid ng mama ko) kaya napilitan na po ako na sumama sa kanya kasama ang mga kapatid ko at dito na daw kami maninirahan. Dumating kami ng Zamboanga City noong September 15, 2016 sa unang dalawang linggo po ng pag stay namin sa bahay ng tita okay naman. Since lahat ng kamag anak ni mama ay alam na ang sakit ko. Ngunit dumating po ang time na parang nag iiba ang trato nila sakin. Ayos lang po kasi nandyan naman po ang mama ko at alam kong hindi ako pababayaan. Nung time na yun nahilig din po akong uminom ng Nesfruta Guyabano Juice at dahil paborito ko halos araw araw e umiinom ako nun pero syempre madami din pong tubig ang iniinom ko pagkatapos. Hanggang sa umabot po ang time pag gising ko isang umaga ihing ihi na po ako nun at dumiretso ng CR pero nagulat po ako dahil pagbaba ko ng shorts at brief ko ay may mga stain na kulay nana sa brief ko. Pag ihi ko din po sobrang hapdi at sobrang sakit na parang mainit na tubig ang lumalabas sa ari ko. Inobserbahan ko po nung una masakit talaga hanggang sa dama ko na din ang sakit sa pantog ko. Hindi naman po ako nagka-fever after pero hindi sya natanggal hanggang kalagitnaan ng buwan ng October. Pumunta po agad ako sa treatment hub nila dito which is located sa Zamboanga City Medical Center. Dalawang nurse lang po ang nag assist sa akin babae at lalaki. Sinabi ko po ang concern ko sa babae since alam kong mas maiintindihan nya ako pero nag iba ang mukha nya at nagtaray. Tinanong niya ako kung nagkaroon daw ba ako ng sexual contact before na makaramdam ako ng sakit sa ari. Sabi ko sa kanya “wala na po.” Totoo naman na wala na since nung nadiagnosed na ako na may sakit. Pero parang ayaw niyang maniwala. So ang ginawa nila ipapa Gram Staining daw nila ako. Hanggang sa lumabas yung result tsaka ko palang nakausap ang doctor nila doon. Hindi nagtanong ng kung anu-ano ang doctor sa akin. Nagtaka po ako kase ni isang details wala syang tinanong sa akin basta basta nalang nagbigay ng antibiotic na iinumin ko good for 2 weeks. Ang pagkakaalala ko nakalagay doon sa result ng Urinalysis at Gram Staining ay “FAST ACID BACILLI.” At nurse na mismo ang nag elaborate sakin na mataas daw count ng nana sa urine ko. So pag uwi ko ng bahay sinabi ko sa mama ko yun at nalaman din ng mga tita ko. Wala silang reaksyon si mama naman binilhan ako ng antibiotic. Nakalimutan ko na po ang pangalan. After nung pangyayari na yun mas lalong nag iba ang turing sa akin ng mga tita ko. Hindi ko alam anong dahilan. Minsan naiisip ko kasi nakatambay lang ako sa bahay at nagiging pabigat na ako. Mula narin noon nagkakaroon na kami ni mama ng konting pag aaway dahil sya daw naiipit sa gitna sa pagitan ko at ng mga kapatid nya. Hindi ko sila maintindihan kasi ang pagkakaalam ko silang lahat nag usap usap para iuwi ako dito para makarecover. Pero dinedma ko kasi baka may mga problema lang po sila. So sa madaling salita natapos ko na ang pag inom ng antibiotic na nireseta sa akin at naging okay naman ng ilang araw. Pero after ng ilang araw din ay mas lumala pa. Nakakaramdan na ako na parang may sinulid na pinapasok sa butas ng ari ko at hinihila hanggang sa loob sa tuwing umuupo ako at nagbubuhat. Tapos minsan di ko namamalayan na nakakaihi ako nang hindi ko nararamdaman. Pumunta agad ako sa Treatment Hub at sinabi ang concern ko pero wala daw yung doctor nakaleave daw. So ang ginawa ng dalawang nurse kinuha number ko at tatawagan nalang daw ako pag okay na. Sa madaling salita ulit, umabot po ang ilang araw ng wala akong natatanggap na tawag. Binalewala ko na naman at sa halip naghanap ako ng pagkakaabalahan. Since HS Graduate lang ako, naisip ko mag aral dito at pumasok ng second semester pero nung nalaman ng mga tita ko yung plano ko tumutol sila. Dagdag gastusin lang daw yun. Pero nagdecide padin ako para sa sarili ko at nagtake ng entrance exam sa Ateneo De Zamboanga University. After ng entrance exam pumunta akong Admission and Aids Office para mag inquire ng scholarship na pwede kong apply-an at hindi ako nabigo kasi nakakuha ako ng Scholarship (student’s assistant program) free ang tuition at miscellaneous fees ko. Sa madaling salita nalaman na ng buong pamilya at no comment sila maliban kay mama na “okay lang.” Since walang trabaho si mama at hirap din kami kaya umaasa lang kami sa tita ko kung saan kami nakikitira. Nagstart na akong pumasok ng school at naging okay naman kasi dream ko talaga mula dati pa na makatapos ng pag aaral pero since hindi sapat ang pera para sa gastusin sa pang araw-araw kaya napilitan akong magtrabo ng maaga. Hanggang sa umabot na nga ang time na talagang alam kong may problema sa akin ang mga tita ko kasi unti unti kong naramdaman na nag iiba na ang treatment nila sa akin. Minsan si mama pag hindi napadalhan ng pera ng asawa nya (stepfather ko) mula sa manila ay humihingi sya kay tita ng pera para pang pamasahe ko sa school at baon ng dalawa kong kapatid (half sister ko) pamasahe lang naman ang hinihingi ko kasi nagbabaon ako ng kanin sa school kaya di naman masyadong magastos ang 20 araw araw. Kalagitnaan na ng December at malapit na din ang XMas Break sa school kaya mas lalong di na magastos sa pamasahe ko kasi minsan wala ng pasok kaya di na ako pumupunta ng school. One time narinig ko sa kwarto ng tita ko magkausap ang mama ko at sya tungol sa akin. Narinig kong sinabi ng tita ko na itigil ko na daw ang luho ko. Makuntento nalang daw sa kung anong meron ako ngayon. Masakit sa akin kasi alam kong hindi luho ang pag aaral at napatunayan ko sa kanila na deserving ako mula sa pagkakakuha ko palang ng scholarship pero naisip ko baka nagiging pabigat na talaga ako. Umabot na nga ang Xmas Season nasabi ko sa kanila na magstop na ako sa pag aaral at maghahanap nalang ng trabaho. Walang sinabi ang lahat ng tita ko pati si mama maliban sa isa kong tita na nagtatrabaho sa DSWD (alam ko head sya dun) sabi nya sa akin mabuti pa para makatulong naman daw ako. Sinabi din nya sa akin na hiring daw sila ngayon encoder pero bawal daw ako kasi malalaman daw sa medical na positive ako. Sumagot ako na nagkakamali siya kasi may ibang tools na ginagamit sa pagkuha ng HIV Status at hindi sapilitan yun pero nag insist pa din sya na sa iba nalang daw.
Sobrang sakit po sa akin kase alam ko na kahit kamag anak ko may discrimination padin. Pinalipas ko lang pero sumabay na naman ulit ang sakit sa pantog ko. After ng Pasko pumunta ako sa treatment hub para kumuha ng mga ARV at ifollow-up yung concern ko since walang tumatawag sa akin since last na pumunta ako doon. Pagdating ko nakakuha ako ng gamot pero sabi ulit nung nurse na naka vacation daw yung doctor. Naasar na ako kasi wala naman po akong ginawang masama para i-treat ng ganito so umuwi nalang ako. Nagtuloy tuloy na yung sakit hanggang sa umabot na ang January parang mababaliw na ako kasi nakakulong lang ako sa bahay. Ayaw ako bigyan ng pera ng Mama ko kasi wala daw syang pera pati mga tita ko wala din daw. Sinabi ko sa kanila na gusto ko nang bumalik ng Manila para magtrabaho dun at makapagpa check-up sa dati kong treatment hub pero di nila ako pinapansin. Lumipas pa ang mga araw parang mababaliw na ako sa kaiisip kasi gustuhin ko man mag apply ng trabaho dito wala akong pera panglakad ng requirements especially medical. Sapat lang na nakakakain ako at nabibigyan ng pamasahe papuntang ospital para kumuha ng gamot. Wala di akong malapitan na mahihingan ng financial assistance dito kasi alam kong wala hindi tulad ng sa Maynila madami. Sa DSWD naman hindi ako makalapit lapit kasi alam kong masasabotahe lang ako ng tita ko. Ayoko naman magpumilit at dahil sakin mag aaway sila ng mama ko. Alam ko kasing iinterview-hin ako doon once na nagsabi ako ng concern ko at malalaman nila na tita ko ang head dun kaya ayokong dumihan pangalan nya dun once na malaman nila kung anong sakit ko tiyak na hindi maa avoid ang discrimination lalo na’t kulang pa sa kaalaman ang mga tao dito tungkol sa ganitong sakit. Gusto ko po talaga humingi ng tulong pero wala po akong malapitan. Gusto ko na po umuwi ng Manila at magtrabaho nalang. Natatakot pa kasi akong mamatay. Gusto ko mapacheck up ko yung almost 5 months ko ng nararamdaman na sakit sa pantog at ari. At itong araw na din na ito, kaya naglakas ng loob na po akong manawagan at humingi ng tulong sainyo. Nagkaroon kami ng konting sagutan ng mama ko. Masakit sa akin na sa mismong nanay ko lalabas ang salitang lumayas na ako dito. Ayaw na daw niya akong makita. Sobrang sakit kasi akala ko sya yung kakampi ko. Kahit na alam kong ako ang may kasalanan kung bakit ako nagkaganito pero di ko padin matanggap na mula sa mga tita ko, ibang kamag anak hanggang sa sarili kong nanay masasabi sa akin yun. Alam kong gusto nya talaga sabihin yun kasi mula nung nagkaroon ng problema sa akin ang mga tita ko, pati siya nagsisimula na ding manlamig sa akin. Sana po sa mga makakabasa humihingi po ako ng tulong sainyo. Handa po akong magpakilala at ibigay ang identity ko. Makakapagpakita din po ako ng proof na I was diagnosed positive sa HIV kung sakaling nagdududa po kayo. Wala lang po akong ibang malapitan at mahingan ng tulong.
–
[text_hash] => 599a8fdf
)