Array
(
[text] =>
Gandang gabe sa inyo.. 😄
Tawagin nyu nlng akong Scarlett.. ( taray ng screen name diba) .. 😁😁😁😁 Gusto ko lng pong ishare ang kwento ko..
2015 nakilala ko ang taong nagpabago ng lahat lahat sa akin.. Naging bagong tao ako dahil sa pag mamahal ko sa knya.. Nagawa kong maging loyal tapat sa knya lng talaga… Tinalikuran ko rin ang masasama kong bisyo… Salamat at naklala ko ang taong nagpabago ng aking buhay. . 1yr and 3mons n kame mga kapatid. . .
2016 sept. Napansin ko na may bukol ang kaliwang kili kili ko.. Masakit ito. Di ko ito pinansin ng mahabang panahon dahil sabe ng doctor na pinachec upan ko kulani lng dw ito… Kaya niresetahan nya ako ng anti biotics…. Lumipas ang isang taon hindi gumagaling ito lumaki pa at nadagdagan pa .. Nagkabukol din ang kanan kili kili ko n xa kung pinag alala ng husto.. Bumalik ako sa doctor ko para ipacheck ulit ito.. Pero niresetahan nya lng ulit ako ng antibiotics… Mga 2weeks after ko mag take ng gamot.. Ang dami ko ng nararamdama. Masakit likod. Mga muscles ko sa paa.. Tapos nag ka herpes zoster ako… Halos d n ko makalabas ng bahay lage lng ako sa kwarto nakahiga… Dun ko naisipang mag pa test na….
2017 feb. 14.. I was diognosed poz. 😭😭😭 kasabay ko nagpacheck partner ko sa awa ng dios non reactive xa.. So un kinausap ako nung councilor about sa status ko.. Halos di ko maigalaw ang katawan ko sa sobrang lungkot.. Wala akong nagawa kundi hayaang pumatak ang luha ko hindi ako nakapag salita gang sa tinanong ako nung councelor kung pwede dw nya ako yakapin. Hindi ako nagsalita gang sa niyakap nya nlng ako.. At ramdam ko ang awa at malasakit nya.. Dun hindi ko n napigilan ang humagolhol na.. 😭😭😭
Panganay ako sa amin. Ako lng din inaasahan samen. Kaya ganun nlng pag aalala ko… Pero sabe ko sa sarili ko kelangan ko ng harapin to andito na to e… Walang dapat ibang sisihin dito kundi sarili ko lng.. Kaya haharapin ko ito ng may lakas ang loob at pananampalataya sa ating Panginoon.
Nagflashback lahat saken.. Lahat ng ginawa ko nuong minsang naligaw din ako ng landas. Tao lng tayo e. Marupok dud.. 😌 naging bayaran. Kung sinu sinu pinatulan makaraos lng. Gumamit ng pinagbabawal n gamut.. 😞😞😞😞😞😞 sa madaling salita inabuso ko ang sarili ko. Nakalimutan ko n may Dios.
Kaya kung ito ang parusa nya sa akin .. Ay taos puso kung tatanggapin. Marahil paraan nya ito upang magbalik loob ako sa knya talikuran ang mga kasalanang ginagawa ko nuon..
Sa mga katulad kung poz. Laban tayo. Laban lng. Walang di mo kakayanin basta kasama mo ang Dios. Walang imposible sa knya… 😄😄😄😄😄👆👆👆👆
Sa mga nawawalan ng pag asa .. Bumangon ka at harapin ang bukas.. Virus lng yan. 😊😊
Salamat po sa mga nagtyagang magbasa.. 😉😍😘
Mahal ko kayo 💙
[text_hash] => d3e2a5d2
)