Array
(
[text] =>
hi everyone i just want to share my story.
when i was a child biktima po ako ng child abuse, kahit maling kasalanan pinapalo agad umabot sa punto na 30 ka palo inilagay sa sako at isinabit sa puno, noong 10yrs old ako nag layas ako sa kadahilanan na hindi ako isinama ng kapatid kong babae pauwi sa amin at nahantong na naman ako sa abuso sa kamay ng aking lolo, maraming hindi magandang naidulot sa akin ang pamilya ko minsan hinahagis ng baso sa ulo, pinapaluhod sa asin, monggo at pinapatungan ng libro, masipag akong mag aral pero nagiba nalang noong tumagal, baon ko noong elementary P1 to 2P noong highschool naman 5P, ang masasabi ko dahil siguro sa ugali ng mga magulang ko na ma abuso sa amin, pinapakain pa kami ng panis na pagkain minsan nga kapag pumasok ako sa school at biglang may quiz wala akong maiabot na pera para sa test questionaire na sinirox ni maam, lumalabas nalang ako sa school at humahanap ng pagkakakitaan minsan, binibenta ko ung assignment ko sa halagang P2 para may makain ako sa vacant time. naging varsity ako hanggang nag college ako pero natigil ako ng 1st semister bago yun marami akong pinagdaan, sa sobrang galit ko sa mga magulang ko may mga bagay ako na pinasukan na di ko inisip ang aking kakahantongan dahil lang para sa akin sarili na may mabibili ako at may makakain ako. halos gabi gabi akong lumabas para humanap ng baklang customer, at pag naka raket uuwi na ng bahay na may dalang pagkain para sa aking kumakalam na sikmura. madamot si itay ung mga ulam tinatago nya sa amin minsan na napapanis na lang at si inay naman hindi mapigilan ang bunganga araw araw nalang ako nag durusa sa piling nila, para bang hinahanap ko ang pagmamahal na totoo para sa akin, kaya may dumating sa buhay ko isang bakla binuhay at inalagaan ako ng 4yrs, at napamahal narin ako sa kanya, at doon na nagsimula na umibig ako, 2013 nag break kami kasi pinagsamantalahan nya ang kapatid ko samantalang ako nag eentertain ng bisita at nagliligpit ng mga pingan sa burol ng kanyang ama, bumalik ako sa bahay at hinahanap ang paraan kung paano mag move on, bumalik ako sa dati kong trabaho bilang on call, marami akong nakasex minsan unprotected, pero hindi sumagi sa isip ko ang katagang HIV/STD, nalulong ako sa alak, sigarilyo, sex. noong panahon na yun may nakilala akong isang bisexual at inibig ko ng buong buo, nag live in kami after 1yr and a haft, naramdaman ko na ung sintomas ng HIV nag research ako tapos nag patest na, my cd4 that time was 91, hinang hina ako, kumukuha lang ako ng lakas sa partner ko, noong tumawag ako sa bahay at humingi ng tulong sinabi nila na wala daw silang magagawa, gumuho ang mundo ko dahil ultimo kadugo ko pa hindi ako tinulungan, mabuti nalang may customer akong mabait na tinulungan ako sa gastusin pero tinapos ko na lahat ng yun dahil nakokonsensya ako na mismo ibang tao pa ang tumutulong kaysa sa pamilya ko. pinahiya pa ako sa buong brgy ng nanay ko. kahit parang susuko na ako ay pinipilit kong mabuhay para lang sa partner ko dahil mahal na mahal ko sya higit pa sa pamilya ko dahil sya lang ang nagparamdam sa akin ng totoong pagmamahal na sakin ay ipinagkait ng pamilya ko. itinaboy ako dahil sa sakit ko, dahil para sa kanila pabigat lang ako, pero nilakasan ko ang loob ko, nag sama kami namuhay ng partner ko. sa ngayon baka undergoing ako sa isang operasyon natatakot at pinapasadyos ang aking sarili at salamat sa partner ko dahil kung ano man ang ginawa ko napunta man ako sa maling landas dahil kailangan, wala akong pinagsisisihan. at buo ang loob ko na bumangon muli mula sa pagkakadapa. mahirap sa mahirap pero kinakaya sa ngalan ng pag-ibig.
[text_hash] => 2edb25b6
)