BLOOD BROTHERS (BOYXBOY) – XYLE – Read boyxboy Novel Online Free
// qc

BLOOD BROTHERS (BOYXBOY) - XYLE

Array
(
[text] =>

Greetings,

I am Xyle. 32 years old and a PLHIV since January 24, 2017. Isang simpleng tao. May simpleng pangarap sa buhay. Hindi nakatapos ng pag aaral sa kolehiyo dahil sa financial na problema. Gayunpaman, hindi ako sumuko sa buhay. Isa akong bulakenyo, walang masyadong trabaho sa probinsya kundi Mangisda, magsaka, o magtrabaho sa pabrika. So, umambisyon ako. Danas ko ang 2 beses kumain sa maghapon. Minsan kapeng bigas na lang yung bumubuhaya sa min sa maghapon at kanin. Ng makatuntong ako sa Cainta, Rizal, taong 2006, nagtry ako mag aral sa TESDA para makapag abroad ako. Nung nakatapos na ko, nakakuha ng certificate, nung nag apply ako sa isang agency, kailangan ko daw ng experience pa at pang placement fee na nasa 200,000 pesos. Nalungkot ako, kasi saan naman ako kukuha ng ganung halaga e isang kahig isang tuka lang kami. Tinigil ko yung pangarap ko at nag isip ng ibang trabaho na malaki ang kita. Habang nasa maynila ako, may nakilala akong tibo, na inapply ako ng trabaho sa logictics sa qc. Ayun, kahit mabigat ang trabaho, kinaya ko para 300 pesos. Habang nasa daan ako, may nakita akong call center. 10,000 libo kada buwan. Sabi ko, ayos na to. Sinuwerte ako, nakapasok ako, 2 taon ko tyinaga kahit malayo. Nakita ko, kahit paano..kumakain na kami ng masarap. Hindi na kami umaasa sa kapeng bigas. Nescafe na. 3 beses na kami kumakain. Wala pa nung fb, friendster pa lang. Kaya pulos trabaho lang ang inaatupag ko. Sabi ko sa sarili ko, magsisipag ako para maging supervisor ako. Ilang taon, lumipas, hindi ko pa rin naabot yung gusto ko sa buhay. Natuon ko ang sarili ko sa pakikipag usap sa internet, namulat yung mundo ko sa kakaibang tukso, sa mga bisexual. Hanggang sa makabasa ako ng isang article about hiv at naisip ko yung paalala ng isang kaibigan, na sa maynila nga raw kalat ang hiv. Halos nabalewala ko yun, tutal hindi naman ako  active sa ganyan. Relasyon kasi ang hanap ko. Nakakapagod na kasi yung meet tapos sex lang. So, patuloy pa rin ako kasi hindi naman ako nakakaramdam ng sintomas. Alam kong hindi ako mahahawa. Tuloy pa rin ako sa barkada, inom, sali ng ganitong gc, clan. Landi kay ganito, landi kay ganoon. Hanggang sa nasawa na ko, inisip ko yung pangarap ko ulit. At may nakilala ako sa fb. Si John Carlo. Sabi ko, eto na siguro yung hinahanap ko. So, nagtiwala ako na loyal siya sa akin. Tanga ako eh. Naikwento nya yung tungkol sa ex nya. Sabi niya di na  siya umuuwi  dun. So, duda ako. Hinanap ko yung profile ng ex niya sakto! Sa pagscroll ko sa timeline ng ex nya, parang nakuryente yung buong pagkatao ko! Tuwing hapon daw, ayos sa post ng ex nya, nilalagnat siya! Tiningnan ko pa yung ibang post ng ex nya at parang halos ganun yung post. Laging nilalagnat. Tinanong ko si john carlo via messenger. Sabi ko, may HIV ka ba? Tinanggi nya. Pero malakas ang kutob ko at inaway ko siya. Ilang linggo, di na siya nagpaparamdam. Alam niyang nabisto ko na  siya. Tatlong buwan, naghintay ako(window period) para malaman ko kung positive nga talaga ako. May sintomas na kong nararamdaman. Nagpapawis ako sa gabi kahit nakatutok na yung bentilador sa akin. Nagtae ako ng halos dalawang linggo. Masakit ang katawan ko at nanghihina ako kahit ang gaan lang ng ginGawa ko. So, nung Enero 24, hindi na ko nagulat. POSITIVE nga ako. sinabi ko agad kay mama. Nadurog ang puso ko kung paano siya umiyak. Kamamatay pa lang din kasi ng kuya ko noon dahil sa sakit sa bato at halos di pa kami nakakarecover non. Tapos heto naman ako. Tinanggap ko na sa sarili ko yung kapalaran ko eh Kasi matanda na npero ang hirap na  tanggapin ng isang magulang na mawawala yung anak niya. Kaya kahit alam kong mahihirapan ako, kinaya ko pa rin para man lang kay mama. Natutuwa ako na tinanggap  pa din ako ng pamilya ko. Binubuo ko uli yung pangarap ko. Unang PASKO ko bilang  PLHIV at madami  pang dadaan na pasko sa kin. Tuloy ang laban!

[text_hash] => 1b7b5c1d
)

//qc
//QC2