BLOOD BROTHERS (BOYXBOY) – WINSTON – Read boyxboy Novel Online Free
// qc

BLOOD BROTHERS (BOYXBOY) - WINSTON

Array
(
[text] =>

Magandang araw mga kapatid..

Ikubli niyo na lamang po ako sa pangalang Winston. Ako po ay isang bisexual na positibo sa HIV/Aids, allow me to share my story at naway kapulutan ng aral ng mga kabataan lalo na ng mga newly diagnosed palang at nawawalan ng pag-asa sa buhay.

Unang beses ko natikman ang sarap ng pakikipagtalik nung ako ay 17 gulang pa lamang, sa kapwa ko lalaki. Noong una hindi ko alam yung ginagawa namen basta ang alam ko lang nasasarapan ako at gusto ko ang ginagawa namen, sa pagkaalala ko nga hindi kame gumamit ng condom nuon (wala akong ideya kung anu ang condom back then). Hanggang sa na adik na ako sa pakikipagsex sa kung sino-sino, kahit saan, kahit anung oras, kahit delikado game ako, dala na din siguro ng pagiging mapusok. Sa totoo lang hindi ko na nga mabilang ang mga nakasex ko, siguro less than 200 na. Naranasan ko na din 3some, 4some, 5some at ang tinatawag nilang ORGY na kadalasay 20-30 kameng nagsesex ng sabay sabay. Yung iba gumagamit pa ng ecstasy, poppers or ice pero ako never ako nabuyo gumamit nun dahil takot ako at sex lang ang gusto ko. Halos gabi-gabi ay laman din ako ng Starlites at Rapture kasama ng aking mga kaibigan, at gabi-gabi din akong may take home na lalaki na makakasex. Hindi sa pagyayabang pero ewan ko ba pero habulin talaga ako, lalo na nga mga foreigner. Dumating din sa punto na nagpapagamit ako kapalit ang pera, partikular na sa mga banyaga. Sa madaling sabi, naabot ko yung rurok o peak ng makamundong sarap na maaring maranasan ng mga kagaya ko. Yung tipong di nauubusan ng pera, puro gimik at inom at lageng may kasex.

Napakarami ko din naging boyfriend/partner at karamihan dito ay unsafe sex ang mga nangyare dahil nga wala akong sapat na kaalaman sa HIV/AIDS/STDs.

Ngunit taong 2014 I’ve notice na may kakaibang pagbabago na nagaganap sa katawan ko, ilan sa mga ito ay ang pagkakaroon ng rashes, weight loss at unusual na panghihina ng katawan, yung bang feeling na pagod ka kahit wala ka naman ginagawa. Unti-unting tumamlay ang karera ko. Dahil nga dito napagpasyahan kong magpatest sa RITM Satelite Clinic.

April 2014, ang araw na halos gumuho at mundo ko. Nuong hindi ko pa nalalaman ang resulta ay kalmado lamang ako, kc parang confident ako na negative ang magiging result. But then again, I WAS WRONG.. I was diagnosed HIV positive with a CD4 count of 400. Napayuko nalang ako nun sa harap ng councilor ko at tahimik na napaluha. Nadama ko ang grabeng awa niya saken dahil sobrang bata ko pa at marami pa akong pangarap sa buhay. Inihatid niya pa nga ako sa labas ng clinic hanggang sa sakayan.

For fear of being disowned by my own family and friends, I decided to live with my disease without coming out or seeking any medical treatment for almost 3 years.

Natakot ako, takot na takot. Gabi gabi umiiyak at gabi gabi naglalasing.

Parang wala na akong pakeelam nun kung anu man ang mangyare sa akin, kung mamatay man ako. Itinuloy ko ang buhay ko at kinimkim ang aking sakit sa sarili ko lamang sa loob ng 3 taon. Hindi ko na iningatan ang aking sarili dahil alam ko wala na rin namang pag asa at darating yung time na mamamatay din ako, ang mahalaga habang buhay ako nakakatulong ako sa pamilya ko.

The day came when my body couldn’t handle the disease anymore and I had to go to the hospital for the much-needed medical help. Patuloy na humina ang pangangatawan ko.

April 2016 I was diagnosed with menigitis and I was confined in the hospital for 3 weeks. After that, sa awa ng diyos gumaling ako at nakabalik sa trabaho.

Ngunit noong June 2016 sa kasamaang palad na diagnosed ako ng Pneumonia, pero nagamot din agad saglit lang ang inilagi ko sa ospital.

Bumalik ulit ako sa trabaho ko at itinuloy ang pagkukunwaring OK lang ako,  na wala akong sakit na dinadala. Ngunit gaya nga ng sabi nila walang sikretong hindi nabubunyag.

August 2016 nagka Pneumonia ulit ako, at mahigit 1 buwan ako na confine sa hospital, 2weeks din ako sa ICU at naka respirator dahil hirap huminga, akala ko nga yun na yun eh, yung time kukunin nako ni Lord. Madaming doctor ang tumingin sa akin ngunit di nila matukoy ang sakit ko hanggat napagdesisyunin nila na ipa HIV Test ako at pumayag naman ako dahil sa tingin ko oras na din para malaman na din ng pamilya ko itong pinagdadaanan ko. The results turn out to be positive as I expected with a CD4 count of 10.

I cried over my mom and dad sa hospital and I said sorry. Nag sorry ako kc binigo ko sila. Sa kabila ng sakit ko, buong puso nila akong tinanggap. Napakasarap sa pkiramdan na wala kang maririnig sa kanila kahit naubos yung pera nila sa pagpapagamot sa akin at nasangla pa yung isang kotse namen pambayad sa ospital.

Ngayon 6mos nako naka ARV at bumalik na din ang dating pangangatawan at sigla ko.

Kaya sa mga newly diagnosed jan na nasa denial period, nawawalan ng pag-asa sa buhay, natatakot itakwil at pakiramdam ay katapusan na ng mundo dahil may HIV ka. Think twice. Wag kayong gumaya saken na nagpabaya at nagbulagbulagan. Prevention is better than cure ika nga ng marami, inabot ako ng 3 taon sa pagtatago at denial stage na may sakit akong ganito. Humantong pa sa puntong tinamaan ako ng kung anu anung sakit hanggang sa nalaman ng pamilya ko ang sakit ko. Habang may buhay, may pag asa. Laban lang mga kapatid. Life is precious.

Salamat sa pagbabasa ng aking istorya. 😇

[text_hash] => eec2ba5f
)

//qc
//QC2