Array
(
[text] =>
Pls. read and share..
Sino-sino nga ba ang higit na nanganganib na magkaroon ng HIV infection? Ayon sa Philippine National AIDS Council, may tatlong pag-uugali o sexual practices na high risk.
Ito ay ang sumusunod:
1. Male having sex with male or MSM,
2. Commercial sex workers at
3. Injecting drug users.
Ayon sa mga pag-aaral, ang anal sex ay 10 beses na higit na mapanganib na nakahawa ng HIV at iba pang sexually transmitted infections kaysa sa vaginal sex. Ito ay sa kadahilanang ang puwit o “anus” ay higit na masikip kaysa sa pwerta ng isang babae. Ito din ay hindi nagkakatas at dumudulas sa panahon ng sexual arousal kaya ito ay madaling magasgas o masugatan na siyang dahilan ng pagkahawa sa impeksyon.
Ayon sa datos ng National Epidemiology Center 80% ng nakatalang HIV sa Pilipinas at mga lalakeng homosexual o bisexual. Taliwas ito sa unang mga naitalang kaso kung saan mga babaeng sex workers ang higit na apektado.
“Ang itinuturong dahilan ng pagkahawa ay ang hindi paggamit ng condom tuwing nakikipagtalik.”
Paano nga ba nakukuha ang HIV?
May apat na likido sa katawan ng tao na nagtataglay ng mataas na konsentrasyon ng virus:
1. dugo,
2. semen o tamod,
3. vaginal fluid o katas ng babae at
4. gatas ng ina.
“Tandaan hindi nakahahawa ang pakikipaghalikan sa taong may HIV sapagkat hindi nakakahawa ang laway, pawis, ihi, dumi o luha.”
Ilan pa sa mga nararapat malaman ukol sa HIV ang mga sumusunod:
– Ang HIV ay hindi nakukuha sa kagat ng lamok.
– Hindi malalaman sa hitsura lamang kung isang tao ay may sakit na HIV.
– Hindi makukuha ang HIV sa paggamit ng public toilet o pagligo sa swimming pool.
– Ang pagsasalo ng kubyertos at pagkain ay hindi maaring makahawa ng HIV.
(PNAC)
[text_hash] => b3b1a242
)