Array
(
[text] =>
Stars [SPG]
“Hey guys madaming nagsasabing ipasa ko to sa MMK kasi ang epic daw ng love story namin pero try ko muna kung magugustuhan niyo. Hope ma post to admin. First time ko to gagawin. Please be open minded. Mahaba to pero ewan ko kung worth it baka makarelate kayo.
Sobrang fuccboi ko, as in fuccboi, babae man yan o lalake pinapatos ko yung tipong nakaka apat na tao ako sa isang araw. Pero nagbago ako gawa ng isang babaeng nakilala ko lang sa club, oo fuccgirl siya pero SINERYOSO ko siya tinigil ko lahat ng bisyo ko kasi narealized ko na gusto ko mabuhay ng mahaba para sakanya, fuccboi ako pero di ko siya ginalaw o hinalikan sa lips kahit gustong gusto na niya makipag bakbakan kaso di nagtagal 2 months later. Birthday ko saktong 12 am nakipag break siya saken. Yung tipong “”Happy Birthday”” nauwi sa “”Di na kita mahal”” sabay blocked. Taga Lipa siya 7hrs byahe ko at tyaka ramdam ko na matagal na may iba na siyang nilalandi. So ayun hindi sakanya umiikot ng kwento ko
Halos nabaliw ako nung nawala siya yung tipong di na ako kumakain, nasasaktan ko mga tao sa paligid ko, and worst? Lumayo sa mga tropa ko. 1 week later humiling ako sa stars ng sign. Then the next day may nag add saken sa facebook. Tapos biglang nag chat. Ignorante ako kaya sobrang cold lang ng sagot ko sa mga stranger kahit artista pa kausap ko. Tawagin nalang natin siyang “”Adrian””. 18 years old matalino, famous, gym built yung katawan, matangkad, makinis, maputi, matangos ilong, mayaman. Unang chat niya
S: Hi bro pwede makipagkaibigan? Mukang parehas tayong sawi ah haha
Araw araw siyang nag chachat hindi siya nag sasawa kahit sobrang cold ng mga reply ko. Then napansin ko na masaya na ako kausap siya, parang tropa lang siya, kinakamusta ako gabi gabi, tinatanong kung kumain na daw ba ako, iniinvite sa mga parties, at hindi iniiwan magisa.
Then one night tinanong niya ako kung may bestfriend na daw ba ako.
Siya: May bestfriend ka na ba? Pwede bang ako nalang?
Me: Wala, pwede naman.
Tapos ayun dami naming bestfriend goals, para na nga kaming mag syota kasi ang sweet namin. Sobrang nag kakasundo kami sa lahat, yosi, party, dota, online games, parehas kaming fuccboi yung tipong
M: Bro may condom ka pa ba diyan? Always use protection ha hahaha mahirap na.
S: Bro ganda nung chix oh ano sa tingin mo? Tambok ng pekpek oh
At isa pa parehas kaming iniwang luhaan ng mga ex gf namin. Ayaw niya mag kwento about sa ex niya kaya nirespeto ko nalang yun. Wala siyang ibang ginusto kundi ang sumaya ako.
Then one night nagkita kami sa Makati, sa may seaside ba yung tawag dun. Nag stargazing kami tapos biglang
S:Ganda ng mga stars diba, mukang malapit pero hindi mo maiwasan isipin na sobrang layo nila sa isa’t isa. Kaya pag nawala ako, hihilingin ko na maging isang star. Para lagi na kitang nababantayan.
M: bro (patawa tawa pa ako)
S: Masaya tayo pag magkasama, nagkakasundo tayo lagi, paano kaya kung maging tayo nalang?Paano kung ligawan kita?
M: Hindi tayo talo bro isa pa ayoko na masaktan, lalo na sayo, alam kong fuccboi ka, alam ko mga galawan niyong mga fuccboi kasi fuccboi din ako
S: Edi sige papaalam ako kay na tita at tito kung pwede kang ligawan
M:Sus di mo kaya yun
Matapos ang gabing yun dun na kami sa condo ko natulog, at ayun natulog lang kami, walang sex, oral, o hawak. Parang tropa lang kami.
Sa mga sumunod na araw pumunta na siya dito sa Cavite sa Indang para magpaalam kay na Mom and Dad. Nag vacation siya dito ng 1 week. Dami naming ginawang mga kabaliwan sa first day niya dito yung tipong pinagsuot ko siya ng uniform ng cvsu para makapasok siya at tinour ko siya sa loob ng CvSU-Main nag yosi kami sa 4th floor ng CON. At isang di ko makakalimutan is yung holding hands kami maglakad yung tipong parehas kaming lalaking lalaki tapos sweet at holding hands sa loob ng campus. Ang laki daw btw sa UP Los Baños siya nag aaral.
The next day nag suot siya ng semi formal at ayun kinausap sila Mom and Dad kung pwede mangligaw sa akin so ayun nagulat parents ko pero syempre wala na silang magawa at napa “”Sure”” nalang tapos tumawa.
Nung gabi, nagpatugtog siya ng mga romantic na kanta tapos nagsayaw kami sa kwarto ko with candles daw para romantic. Pero yung last dance yung memorable kasi kumanta siya ng “”All of the stars”” by Ed sheeran. At oo medyo nanlambot at naging bakla ako kasi ang pogi nung boses ang galing kumanta. Romantic at slow version pa. Matapos siyang kumanta lumuhod siya at tumingin sa mata ko sabay sabi ng
S: “”*Binangit yung full name ko* pwede ba kitang ligawan?””
Napatanggo nalang ako sobrang saya ko nung time na yun parang ayoko nang matapos yung araw na yun.
The next day sobrang nag cracrave ako sa cake ewan ko kung bakit tapos ayun movie date kami sa bahay, di ko napansin naka idlip ako, tapos pagising ko nakita ko yung cake nakapatong sa table ko. With matching
S:””Cute mo matulog ayan na yung cake””
Wala siya sa kwarto ko, kasama niya pala si Mom na magluto sa kitchen. Sobrang close na nila. Bibilisan ko na yung kwento. Basta tinuruan niya ako maglaba gamit ang kamay, magluto ng itlog, magfold ng polo shirt, at magtimpla ng coffee niya, lagi niyang finofold yung mga polo ko kasi hindi talaga ako maalam at may scene pa na ilang beses akong bumalik sa kitchen kasi di ko makuha yung pang lasa niya sa coffee. Tapos nung pang 6x na balik ko na kinuha na niya yung coffee tapos ininom niya khit alam kong hindi masarap yun. Ngumiti siya at hinalikan ako sabay sabi ng “”Sarap magtimpla ng coffee ng asawa ko””
May tinuro siya saken “”Shark, Lion, Neon”” fish basta puro isda yan di ko sure yung neon nakalimutan ko na basta mga label niya yun sa mga ibat ibang uri ng tao. Then later on tumawag yung tropa niya, tinatanong kung nasan daw siya at sino kasama niya, at ang sagot niya. “”Tilapia”” sabay binaba niya yung call. Agad ko siyang tinanong kung bakit tilapia muka ba akong isda? Then pinakita niya yung text niya dun sa isa niyang tropa na tinanong din siya kung bakit tilapia kinilig ako sa sagot niya
“”Kasi eto yung pinaka mahal kong isda””
Jan 16 2017 ko siya sinagot kasi favorite number yun parehas at isa pa parehas 16 ang birthday namin. The night bago siya umalis at bumalik sa Los Baños nag star gazing kami lagi kaming nag sstar gazing sobrang attracted siya sa stars. May scene pa na nag sstar gazing kami pero nakatitig lang siya saken sabi niya di na daw niya kailangan tumingin sa itaas kasi katabi lang daw niya yung star na hinahanap niya
Tapos nung gabi di ako natulog pinanuod ko siya kung paano matulog. Niyakap ko siya at hinalikan sa forehead. Tapos gising pala siya at hinalikan din ako sabay sabi ng “”I love you mahal na mahal kita salamat kasi nakita kita””
Btw to make it clear walang nangyare samen. Kiss lng. Kasi gusto niya after marriage daw, angas diba napatino ko yung fuccboi. Proud to be pa siyang sabihin na “”Fuccboi no more na ako””
Then ayun bumalik na siya sa Los Baños araw araw siyang tumatawag saken gabi gabi bago matulog. Magpapa alam siya sa kahit anong gagawin niya. Sobrang focus niya sa acads pero focus din siya saken. Bawat araw pinaplano namin as in araw araw. Yung graduation ko, pag apply ko sa OJT, birthday. christmas, newyear at kahit ordinary days. Planado na ang lahat.
Wala siyang ibang ginawa kundi ang mahalin ako. Walang nagbago sa pag tratro namin sa isa’t isa para lang kaming mag tropa pero nagkikiss at nag sasabi ng i love you.
Paglasing siya punong puno yung inbox ko patay na patay talaga to saken hahaha puro sweet messages. Ang sarap sa feeling kasi yung mga ginagawa mo dati sa mga ex girlfriend mo, ginagawa na sayo ng isang taong sigurado na papakasalan ka.
Sobrang supportive bf ako at ganun din siya. Sobrang blessed ko sakanya. Nasakanya na lahat ng hinahanap ng bawat tao. Puro long messages araw araw yun. Bihira nalang kami mag kita kasi busy na din ako sa OJT ko pero sabi niya. Tumingin lang daw ako sa stars pag namimiss ko siya kasi dadating din ang araw na may isa daw saming dalawa ang mawawala at tanging stars nalang ang magiiwang symbol sa mundo.
Malapit na mag february 14 sobrang excited siya kasi itotour niya ako sa Campus nila sa UP Los Baños. School fair nila yun. Dun daw muna ako for 3 days nakapag booked na siya sa hotel. At sobrang saya niya sa sobrang saya niya napainom siya hirap na hirap pa siyang magpaalam saken eh papayagan ko naman siya. Malaki tiwala namin sa isa’t isa eh. Lagi niyang sinasabi at pinaparamdam kung gaano ako ka importante sakanya yung tipong gabi gabi niya ako kakantahan pag di ako makatulog, gabi gabi niyang sinasabi na walang iwanan. Ngayon lang ako nakaramdam ng gantong klaseng pagmamahal.
Nung umaga nabasa ko mga messages niya.
Feb 12 2017 ng umaga:
Hinulaan ako ng tropa kong manghuhula, sobrang nag sstruggle daw ako sa career pero sobrang saya ko naman sa lovelife, syet totoong totoo, I love you tawag ako pag gising ko ha. Mahal na mahal kita walang iwanan ha.
Nung gabi nagpaalam siyang may pupuntahan lang. Feb 13 2017 wala na siyang paramdam nagparamdam siya nung gabi na tumawag siya bigla
S: Mahal na mahal na mahaaal kita lagi mong tatandaan yun ha. Yung mga tinuro ko sayo. Wag na wag mong kakalimutan yun. Yung mga pangarap mo ituloy mo para saken at kay na Tita. Pag hindi! Nako break na tayo sige ka.
M: Hala ang drama mo bakit ba ang dali sayo banggitin yung break break na yan walang magbrebreak. Naiyak ka ba?
S: Kanina pa…
M: Hala bakit?
S: Nagpacheckup ako at HIV positive ako. Ang dami ko pang pangarap, ang dami ko pang gustong iparamdam sayo.
M: *napaupo sa kalsada at naiyak na din*
S: Break na tayo. Ayoko nang patagalin to. Ayokong saktan ka kaya hanggat maaga pa itigil na natin to kesa masaktan ka pag nawala ako. Life is so unfair, kung kailan ko na nahanap yung the one ko tyaka naman ako binigyan ng ganto.
Nagmakaawa ako na wag niya akong iwan sabi ko lalabanan namin yung HIV niya pero may mas malala pa pala. May stage 2 Cancer siya at yung pala yung dahilan kung bakit lagi niyang sinasabi noon na
“”Kilala mo ba si Augustus Waters ng “”The Fault in Our Star””? Parang ako daw yun sabi ng tropa ko””
Sobrang sakit, bakit kailangan siyang ibigay ni Lord kung sa huli kukunin din pala siya. Bakit kung kailan sigurado na kami sa isa’t isa tyaka siya binigyan ng gantong sakit. Sana ako nalang yung may sakit kasi patapon naman ako eh tamad ako, bully, puro laro, inom, walang respeto.
Pero siya? Ang dami niyang pangarap sa buhay, sobrang bait niya, ang pogi niya, malaki ang respeto sa kapwa. Nung gabing yun sabi niya na dapat daw sa February 14 siya makikipag break which is bukas na at wag na daw akong pumuntang Los Baños. Kasi ayaw niya nang patagalin kasi ayaw niya daw magsinungaling saken. Hanggang sa huli ako pa din ang iniisip niya.
Sobrang lungkot ko. Kaso wala eh Hotelier ako at Waiter pa ako sa Hotel kaya dapat smile lang. Pagkatapos ng duty ko sa Hotel nag byahe na ako pa Los Baños ipagpapatuloy ko kung ano yung nakaplano na. Sinabi ko sakanya na pupunta ako pero pinipigilan niya ako. Magpapakamatay daw siya pag pumunta ako. Nakarating ako dun ng 9:40pm at madami pa ding tao. Tinext ko siya at ang tagal bago niya ako puntahan. Ibang ibang na siya hindi na siya yung tulad nang nakilala ko dati. Ang angas na niya saken at cold. Nagalit siya nung nakita ako bakit pa daw ako pumunta eh tapos na naman daw yung relationship namin. Partida sumigaw siya kaya tumingin yung mga tao. Niyakap ko nalang siya at binulong na. “”Let’s go home”” kumalma naman siya. Tapos ayun. Sa bahay hinayaan niya lang ako parang stranger nalang ako.
M: Bumili ako ng pagkain natin hahaha
S: Pagod ako wala akong pake sa pagkain mo
Tapos ayun ngumiti nalang ako tapos nag Cr then dun ako umiyak. Ayokong ipakitang naiyak ako kasi sabi niya saken ang pangit ko daw pag naiyak kaya wag daw akong iiyak
Nung gabi na nag dodota lang siya. Tapos humiga na ako sa kama namin. Tapos maya maya tumabi na siya saken. Niyakap ako ng mahigpit at umiyak.
“”Pasensya ka na sa mga nagawa ko, gusto ko lang naman lumayo ka na. Mahal na mahal kita asawa ko, gusto kong ikaw ang magpatuloy sa mga pangarap ko. Gusto ko ikaw yung magtuloy ng buhay ko, hindi ko naman ginusto to eh, ayokong mahawahan kita, ayokong masaktan kita, sana naturuan kita maging independent na tao sa tagal nating nagsama.””
Madami pa siyang sinabi nun. Pero ang haba na ng story ko.
Hinatid niya ako nung umaga sa sakayan pa Cavite. Sobrang sakit sobrang hirap. Para nalang akong patay na naglalakad. Walang emotions, walang kahit na ano.
After one hour nag text siya saken. “”Check the gallery of your phone”” pagka check ko nag video pala siya sa phone ko habang tulog ako. Sinasabi niya dun lahat lahat kinukwento niya kung gaano siya kasaya nung dumating ako sa buhay niya. At yung tumatak saken eh yung
“”Ang hirap mag let go ng taong mahal na mahal mo, sobrang hirap, I want more days para mapasaya ka pero I think this is the right thing to do ang iwanan ka hangga’t maaga pa. You are by far the greatest thing that ever happened to my 18 and a half years of living. So this is me Adrian signing out””
Pagbalik ko ng bahay sobrang naiyak ako. Bawat sulok ng bahay ay punong puno ng mga good memories namin together. Sobrang hirap kasi pinagmalaki mo siya sa lahat at binaliwala mo yung mga temptations kasi may mahal ka na eh. Yung tunay at tapat na pagmamahal.
Madami pang nangyare may mga hospital visits pang naganap. Natulog sa kalye, maglakad ng parang 10km away, maholdup, kaso ang haba na eh. Sobrang tragic ng love story namin at ngayong araw AUG 14 ang ika-8 months ng breakup namin. Sobra niya akong tinaboy at is yung tipong hiniling niyang mamatay nalang daw ako. Kaso ang haba na talaga ng story ko sana nag enjoy kayo. Sobrang emotional nito kung maging movie. I’m sure madaming maiinlove at maiiyak. Kasi kahit mga kaibigan ko naiiyak kasi nakita nila kung gaano ako naging masaya at kung gaano ako nabuo bilang tao sa pamamagitan ni Adrian. Siya ang pinaka magandang sign na hiningi ko sa mga stars salamat dumating siya sa buhay ko.
“”Maybe this is not the right time, right world, right form for us pero trust me! In another life, hahanapin kita, at ipapaglalaban na kita until the END”” so this is Axel your 18 yrs old chinito guy signing out— HE DIED
Just comment down below kung gusto niyo ng part 2. Sorry hanggang ngayon naiiyak pa din ako. Oo 8 months na pero ang sakit pa din. Wala nang ibang nagpatibok ng puso ko kasi hinahanap ko yung pagmamahal na binigay niya saken sa mga taong nakikilala ko. Don’t judge Adrian alam kong ginawa niya lahat ng to kasi MAHAL NA MAHAL NIYA AKO.
Axel
CED
CvSU-Main
2015
[text_hash] => a917ac35
)