Array
(
[text] =>
Seantelle
Nakakaloka. Kinakabahan ako ngayon mga beshies. Gusto ko lang libangin sarili ko sa pagpost dito sa group. Under pa ako ng window period ngayon kaya kabang kaba ako. Well. Baka karma is real na nga sa akin kung magkaroon ako ng HIV dahil sa ginawa kong panloloko sa bf ko. I had sex with another man without using condom and without my bf’s knowledge. Then I asked one of my gay friend if mahilig din makipagsex si guy sa iba then my gay friend said na magpatest nalang daw ako. Kasi daw may kumalat na issue na meron nga daw HIV yung guy na nakasex ko. Pinanghinaan talaga ako ng loob that time. Ang mas masakit pa, baka mahawa ko si bf kasi after namin magsex nung guy, nagsex kami nung bf ko without condom. Kaya magkahalong kaba at konsensya yung nararamdaman ko ngayon. I asked the Lord to give me a sign kung ano magiging status ko. Una ang dami kong nakikitang NO sa paligid like No Parking, No Smoking etc. Then humingi ako kay God ng Sign talaga then I saw a word in a tarp saying “BEEHIVE” na sa interpretation ko is “Be HIV negative” because I assumed the last E sa word na BEEHIVE is electron which has negative charge in an atom. Wala mang kasiguraduhan kung anong magiging result after ng window period panghahawakan ko muna siguro tong sign na to. And I will always pray to God na sana bigyan Niya pa ako ng chance and sana mapatawad niya ako sa mga nagagawa kong kasalanan.
[text_hash] => d62db79d
)