BLOOD BROTHERS (BOYXBOY) – RAFFY – Read boyxboy Novel Online Free
// qc

BLOOD BROTHERS (BOYXBOY) - RAFFY

Array
(
[text] =>

Just want to share my story :
Last nov 2016 when i found out that i am positive of HIV parang gusto kong magpakamatay (mapasagasa ng malaking truck sa kalsada). Umuwi ako sa bahay na subrang takot, hindi ko alam kung ano gagawin ko. Bigla nalang ako iiyak sa kwarto. Iniwasan ko na hindi ako nakikita ng pamilya ko umiyak. Napansin nila namamaga na yun mata ko. Tinatanong nila ako kung ano nangyari sa akin, hindi ako makasagot. Pumasok ako sa kwarto agad at naghanap ako ng lubig dahil gusto ko wakasan ang buhay ko. Nun napansin ng mama ko na hindi na ako lumalabas ng kwarto, Bigla nya binuksan ang pinto ng kwarto ko. Nagulat sya at nakita nya ang lubig sa kamay ko. Niyakap nya ako at kinausap. Nun sinabi ko sa kanya ang status ko, niyakap nya ako at pinakalma nya ako. She gave me an advise on me na huwag ko daw gawin magpakamatay dahil malaking kasalanan sa Diyos. Tinanggap nya ako ng boung buo. Dahil sa pagmamahal ng akin Ina nagbago ang isip ko. Tinatanggap ko ang pagsubok na ito at nagpray ako kay God at humiling ako ng isang milagro.

November 30 subra taas ng lagnat ko at bigla bumagsak ang katawan ko, paulit-ulit yun lagnat ko tiniis ko yun lagnat ko hanggang dec 4. Hanggang nagpaadmit na ako sa hospital kasi hindi na bumababa yun lagnat ko.  After 2 weeks in the hospital lumabas kami kahit hindi pa ako magaling kasi wala na kaming pera pambayad sa hospital. Subrang nabahala ang mama ko sa akin. Pinaubaya ko nalang sa Panginoon ang kalagayan ko. Dumaan ang pasko and bagong taon hindi pa rin maganda ang kalagayan ko. Nagusap kami ng pamilya ko at nagpaalam na ako sa kanila at sinabi ko sa kanila ang sitwasyon ko. Subra iyak nila dahil ayaw nila mawala ako sa buhay nila. Tinanggap nila ako at inalagaan, dahil dun pilit pa rin ako lumalaban.
January 7, 2017  bigla akong tinakbo sa hospital kasi hindi na ako makahinga. The doctor said need ko  daw maoperahan yun baga ko kasi puno na sya ng tubig. Ayaw ko sana magopera kasi wala kami pera pambayad. That time sabi ko sa doctor Im ready to DIE na po, the  doctor said “No! mabubuhay ka pa kung magpapaopera ka”. I remembered the doctor said that I have 45 minutes to live  if hindi ako maooperahan. When my mom came into my room at nakita ko sya subrang iyak bigla akong naawa sa mama ko. At sinanabi ko sa doctor na sige operahan nyo na ako bahala na kung saan ako kukuha ng pambayad ng sa operation. After operation medyo bumubuti yun pakiramdam ko at nakahinga na ako ng unti unti.  Bitbit sa katawan ko ang tube dahil nilagyan nila ako ng tube sa tagiliran ko para makalabas yun mga tubig sa baga.

God is always Good talaga,  When my friends heard about my situation bumibisita sila at nakita nila yun kalagayan ko. Tinutulongan nila ako at nagambgan sila para pambayad sa hospital bill ko. Kaya Taos puso akong nagpapasalamat sa kanila lahat at tinanaw ko ng malaking utang na loob. Labis ako nagpapasalamat kay Lord kasi hindi ako pinabayaan.
After month tinanggal na yun tubo sa chest ko kasi bumubuti na yun lungs ko. It was found out that i pneumonia until became TB.  Hindi ako sumuko sa pagsubok alam kung makakayan ko ito, dahil iniisip ko na marami nagmamahal sa akin kaya lumalaban ako para pamilya ko at sa mga nagmamahal sa akin. Until now contineous pa rin ang medication ko sa TB and pabuti buti na ang kasulugang ko ngayon. Bumabalik na ang lakas ko at dati kung katawan. After a month nagpacheck up ulit ako and again God is good, biinigayn na ako ng clearance ng doctor to work back.

Kaya ngayon i promised to God that  i will used my second life to help my family and friends. I believed that there is no impossible with God and there is a MIRACLE.

Kaya guys laban lang laban at huwag mawalan ng pagasa kasi God is always there for us and God always Love us.

Thank you for your time reading my story. I hope my story will inspire people na hindi dapat mawalang PAGASA 🤗😍😀

[text_hash] => 81eccf84
)

//qc
//QC2