Array
(
[text] =>
“Hanggang Kailan???”
Iam Niccolo and Iam PLHIV
Ang HIV, parang Love yan eh. .dapat alamin mo yung status nyo. Hindi na nag aassume ka lang. . Sabi nga ng Nido “Always Check the Label”. Kung sa LOVE, kailangan pa nating masaktan para malaman na niloloko na tayo, pro minsan kahit na nasasaktan na tayo, ayon nagpapakatanga parin kasi nga we are ASSUMING na mahal tayo at TAKOT tayong mawala ang taong mahal natin. Ganun din sa HIV, kahit na minsan na ALAM na natin na PRONE tayo pero mas pinipili pa rin nating maging ok lang hihintayin pa natin na magkaroon ng malalang sakit para magpa test kasi nga takot sa mga “WHAT IF’s”.
Ang tanong hanggang kailan tayo mag AASSUME?? Hanggang kailan tayo MAGPAPAKA TANGA???Hanggang kailan natin dadalhin ang mga tanong na hindi masasagot???Hanggang Kailan tayo matatakot???at Hanggang kailan natin dadalhin ang SAKIT na tayo lang ang nakakaramdam at nakakaalam???Hanggang Kailan???
Kung sa Love nga, we are taking all the risk just to be with someone we love kahit alam nating ang SAKIT SAKIT na pero tayo sige parin. So dapat kaya din natin maging MATAPANG to GET TESTED, wag na nating hintaying lumala pa ang sitwasyon natin at worst pa baka PAGSISIHAN lang natin.So habang maaga pa KNOW YOUR STATUS, sabi nga nang Ritemed “Wag maghiyang magtanong” . . .So dapat tayo wag mahiyang mag pa Test, kung SYA nga kaya mong ipaglaban SARILI MO PA KAYA??? At laging mong tatandaan na “HINDI MO MALALAMAN KUNG HINDI MO SUSUBUKAN”. . .
KNOW YOUR STATUS and BE TESTED
ciao!😁😁😁😘😘😘
[text_hash] => fa5f9fe2
)