Array
(
[text] =>
I want to share may story din po
May 2014
Nag break kami ng ex ko. Dahil sa maling ginagawa nya sa akin. Yes! Syempre normal lang naman sa mag partner ang nagiging active sa sexlife. Pero bihira lang din namin magawa un because we are both busy for school and work. Yes! Im a working student na that time. About hiv test lagi naman akong nag papatest kahit nung hindi pa kami ni ex. Every 6 months palagi kong tinatapos ung window period na sinasabi nila. Three times na din ako nag undergo for hiv test. Swerte lang at laging non-reactive.
June 2014
Medyo naging ok na din ang buhay ko. Medyo naka move on na ako sa ex ko. Nag focus ako sa work at studies ko. Saktong natangap ako sa isang medical company sa sa manila. Mga doctors,nurses at pharmacists ang mga kasama ko sa work. Trabaho sa umaga at aral sa gabi. Aun na din ung last time na nag patest ako for hiv kasi naging busy na din ako sa buhay ko. Swerte pa din dahil non-reactive pa din at alam ko naman un. Kasi during that time wala na akong partner hindi na ako naging totally active sa social life ko even sa sexlife wala na. Aral trabaho bahay lang ako.
Dec 2014
Masyado akong naging kampante sa buhay ko. Napapansin na nila sa akin na pumapayat na din ako. Lagi ko nalang din dinadahilan na dahil busy lang sa work at school. Pero alam ko sa sarili ko na may mali sa akin. Madalas na akong sinisipon at madalas hingalin. Pero di ko nalang pinapansin.
1st time na nag karoon ako ng rashes sa katawan nung christmas party namin sa work. Naging masyado akong busy nung mga time na un. Halos walang tulog for 24 hrs dahil over night swimming un.
Kinabukasan pag byahe namin pabalik ng manila nag karoon ako nga mga pantal sa katawan mapupula na pahaba. Pero hinayaan ko nalang din. Kasi inisip ko baka kulang lang ako sa tulog. Halos isang araw akong gising kaya for sure dun lang din ang dahilan ng pag kakaroon ko ng pula sa katawan.
January 2015
Ito na ung panahong nahirapan ako. Napansin na talaga nila na pumapayat ako, hindi na din kasi ako nakakapunta ng gym kasi kahit sunday may pasok na ako sa school. Madalas sa gabi nilalagnat na ako. Nag pa check up ako sa doctor na kakilala ko
sabi nya baka over fatique lng daw dahil halos wala akong pahinga.
Pabalik palik na din ung lagnat ko. At sipon na di mawala-wala tas nag karoon ako ng pigsa sa left part ng paa ko. Kaya sobrang kinabahan na ako.
January 22,2015
Naisipan kong mag patest. Bumalik ako sa social hygiene kung saan ako madalas nag papatest. Blood extraction tas ung kit nilapag lang ni doc sa harap ko. Sabi nya bilang lang daw ako ng 15 mins. Para malaman ulit ung result ( aun kasi ung madalas na ginagawa nya sa akin dahil kilala na nya ako at alam nya na lagi naman akong non-reactive) then after 15 mins. Bigla nya akong niyakap. Naging reactive na un result ng test ko. Ako? Napatulala lang ako. Hindi ko din kasi alam ang gagawin ko. Sobrang natakot din ako. Sinabi nya sa akin na ipapadala nya daw yung blood example ko sa doh for confirmatory kasi possible pa din daw na negative ako. Wait daw ako ng 1 week or text or call nya daw ako pag dumating na ung confirmatory test ko. Pinakalma nya ako at huwag daw matakot kasi tutulungan daw nya ako.
Pero sobrang kabado na ako nung mga oras na un. Halos gusto ko nalang mawala sa mundo. Pag labas ko ng clinic isang lugar lang ang pinuntahan ko. Si god. Sya kasi ung nakalimutan ko nung panahon na naging busy ako sa buhay ko.
Feb 2015
nag karoon ako ulit ng rashes pero namang gaanong halata kasi halos sa binti lang naman. Pero halata na ung pangangayat ng katawan ko. Sobrang laki ng binaba ng timbang ko. Na depress din ako na what if malaman ng parents ko. Kanino ako lalapit o san ako pupunta. Halos wala na akong ganang kumain. Mas lalo akong naging paranoid sa mga nababasa ko sa mga blogsites about hiv.
March 2015
Bumalik ako sa clinic then andun na pala ung letter ko. Letter na confirmatory about sa status ko. Nung nabasa ko’yon di ko alam ang gagawin ko. Possitive ako for hiv101 then binigyan ako ng referral ng doctor dun. Pinapupunta nya ako sa san lazaro sa tayuman. Pero sinabi ko na hindi ako pwde dun. Halos lagi kasi akong nakakausap ng doctors dun about sa mga antibiotics na kelangan nila like azithro cotri.kaya nilagay nila sa referral ko na sa ritm alabang ako pupunta. Nag undergo na din ako ng counseling nung time na un.. Pwde daw nila akong tulungan na iopen sa parents ko ang status ko. Pero hindi ako pumayag sinabi ko na ako nalang ang bahala.
March 22,2015
Naglakas loob ako mag punta ng ritm alabang. Halos hindi ko din alam ang gagawin nung time na un. Nag reason nalang ako sa work ko na may aayusin ako for enrollment. Pag dating dun halos naiyak ako sa mga nakita ko mga taong naka mask sa loob ng hospital nung time na un. Pero alam ko na isa na ako sa kanila.
Kinuhanan nila ako ng blood sample then wait daw ako after lunch para sa result. Nung time na un 292 na daw ang cd4 ko then binigyan nila ako ng isoniazid for 6 months . Parang wala lang na nag uusap kami ng doctor dun. Tinuruan nya ako sa lahat mga lahat ng gagawin ko. Then balik daw ako after 1 week para sa result ng xtray ko at required ako mag pa test ng syphilis at hepa b.
After one week bumalik ako nakuha ko na din ung result ko for syphilis at hepa b so far non reactive naman. Kaya medyo maging masaya na ako. Pinag start na din nila ako ng arv lamizaido and nevirapin. Try ko daw un then balik ako agad pag may rashes ako or on and off ung lagnat ko. Pinapastop na din ako ng i.d doctor ko sa pag aaral ko or work ko pahinga na daw muna ako. Kasi mas mahihirapan daw ako na after work school naman. Baka mas lalong bumaba ang cd4 ko nun. Pero hindi ko pa din sinunod.
After 5 days di ako agad nakabalik kasi naabutan ako ng holy week tsaka nag out of town pa kami ng mga workmates ko,that time kaya nahirapan akong makabyahe pabalik ng manila.
Pag balik ko sa hub pinag undergo ako for derma pinastop lahat ng meds ko kasi masyado daw malala ung rashes ko. Halos nag muka akong chitcharon sa sobrang maga ng muka ko. Then ung skin ko kulay pink talaga. Pinabili nila ako ng prednisone at anti histamine para daw sa rashes. Medyo nahirapan na ako dito kasi sobrang maga talaga ung katawan ko. Nag reason out nalang ako sa work ko na nag karashes ako dahil halos puro seafood lang ang kinakain namin sa nung holyweek. pinalabas ko na nag karoon ako ng tigdas hangin para di masyadong halatang sa sakit ko. Aun na din ang nilagay ko sa medical certificate ko. Hirap ma hirap ako nun dahil sa rashes ko. Nasa kwarto lang ako palagi kasi natatakot ako sa parents ko na malaman nila ung about sa akin. Then pinapalitan nila ung arv ko. From nevi to evaf.
April 17,2015
Nagkaroon ako ng lakas ng loob. Dahil sa hirap na hirap na ako at wala akong masabihan. Napansin ng isa sa workmate ko na parang lagi na lang daw akong tulala napapansin nya din ang pangingitim ako. Halos ang daming nag bago daw sa akin.
Tas aun. Naiyak nalang ako bigla sa harap nya. Napaamin nya ako na possitive ako for my status. Niyakap nya lang ako. Sinabihan nya ako ma tutulungan nya ako. Nung una di ko maisip na sa ibang tao ko makukuha ang suporta na kylangan .Syempre as a nurse alam nya lahat ang about sa sakit ko. Alam nya ang mga dapat gawin sinunod ko lang sya. Medyo maging ok na din ako kasi kampante ako ma matutulungan nya ako sa sakit ko.
After 5 days niyaya nila ako for dinner kasama nung isang super close ko din sa work na nurse din. Kinausap nila ako kasi mas maganda na daw talaga na sa akin mismo mang gagaling na about sa status ko. Then aun. Inamin ko sa isa ko pang friend,Niyakap lang nila ako ng mahigpit at sinabi nilang hindi nila ako papabayaan. Sinabi nila na mag take ako ng ascorbic at b complex para mas maging ok ako. Everytime na nag kakasakit ako or may masakit sinasabi ko sa kanila sila na din nag aalaga sa akin. Naging nurse ko silang dalawa. Pag may rashes ako sinasabi ko sila agad sa kanila. Binibigyan nila ako ng supporta sa lahat ng bagay naging secret naming tatlo lang ung about sa status ko.
September 2015
Naging balik normal na ang lahat tuloy pa din ang medication ko. Work sa umaga aral sa gabi.nahihirapan lang ako kasi minsan pag may group study kami, ako agad ang unang nakakatulog dahil sa evaference na iniinom ko. Sinunod ko lang ang sinasabi ng i.d doctor ko at mga nurses ko. Sila ang sinasabihan ko pag nakalimutan ko uminom ng gamot ko or kung may gamot ako nainom. Bumalik na din ung skin color ko bumalik na din ung lakas ko. Halos nakakalimutan ko na ngang may sakit ako minsan. Iniisip ko nalang ung nga goodvies na ginagawa at nagagawa ko sa araw araw.
Naging masaya na din ako sa buhay ko. Tuloy tuloy lang din. Trabaho sa umaga aral sa gabi minsan nahihirapan lang din ako pag may grouping kami kasi puyatan pero kinakaya naman. Ung dalawang taong un. Sila naging kakampi ko sa lahat ng bagay. Halos sila na din naging dahilan na hindi pa patapon ang buhay ko.
Sept 22,2015
Ang kinakatakot kong araw sa lahat babalik na ako sa ritm alabang dapat for cd4 test ko. Planado na lahat pero hindi ko magawa dahil late na ako magising dahil sa studies ko.
Pero pinapunta nalang nila ako sa makati med. Bihira lang ako pumunta din at dun ako nag undergo ng cd4 ko. Sobrang bigat sa bulsa kasi mahal ang nagastos ko dun.
Then afternoon lumabas na din ang result ng cd4 ko.
From 292 naging 1062 na ung cd4 ko. Halos maiyak ako sa sobrang saya ko nun. Worth it ung pag hihirap ko sa pag inom ng gamot at pag labas ng rashes ko for 6 months.
Until now nag aaral pa din ako 2nd year 2nd semester na din. Yes!
Sobrang swerte ko sa dalawang tao na nakakaalam ng status ko. Nagagawa ko na din ang lahat. Tuloy pa din ang madication ko. Doble ingat pa din sa sarili ko para kakaiwas sa iba pang sakit. Laking pasalamat ko talaga na alam ko na hindi ako pinabayaan ng nasa taas , until now every sunday nag sisimba pa din ako. Naisip ko siguro challenge lang ito sa buhay ko para mas kayanin ko na harapin ang mas mahirap na problema sa buhay ko. Nung panahon na nakalimutan ko si god. Ngayon mag balik loob ako sa kanya. Alam ko naman na may mga kasalanan at mali din akong nagagawa sa buhay ko.
Sa ngayon alam ko na din ang status ng ex ko. Pero handa naman akong mag patawad kasi hindi nya nasabi sa akin ung status nya sa akin, nung panahon na kami pa. Sabi din ng friend ko na hayaan ko nalang daw. Mas mag focus nalang ako sa pag aaral ko.
Sa pag graduate ko ung dalawang workmate ko ang una kong babalikan handa akong tulungan sila sa paraan na kaya ko. Sila ung taong gumabay nung panahong halos hindi ko na kaya. 🙂
Para sa kagaya ko? Kaya natin ito. Halos hindi na nga ako natatakot kasi nasa akin na ung sakit na walang lunas. Pero umaasa pa din ako na after 1 year 2 years magkaroon na ng gamot or vaccine para sa mga taong katulad natin. Sana mas alagaan pa din natin ang sarili natin. Sobrang hirap sa posisyon natin pero kung iisipin nyo lang. Ang mga bagay na meron kayo mas masarap mag pasalamat until now di ko pa din sinasabi sa parents ko ang status ko. Mybe pag graduate ko nalang. Ayokong mas mahirapan pa sila sa akin.
Thank u 🙂
[text_hash] => f251645b
)