Array
(
[text] =>
Hello i am john not my real name, 25 years old
August 2016 ko nalaman na ako ay positive sa HIV na nalaman ko pang sa Medical Exam ko pabalik ng ibang bansa. Bago ko nalaman yun. Nagkakasakit na ako, Nilalagnat, Nagsusuka, Laging nahihilo. Nagdudumi. Mga 95 Timbang ko noon at biglang namayat ako at naging 70+ na lang sa ilang buwan lang. Wala akong kaaydi idea na may HIV na pala ako sobrang sakit at di ko matanggap dahil nalaman ko yung resulta, Kaarawan ko at yun din ay araw ng kamatayan ng Nanay ko. Para akong pinagbaksakan ng langit at Lupa noon. Ilang linggo akong walang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak. Kahit nandyan yung buong pamilya ko para alalayan ako sa nangyayari sakin. Naging open ako sa kanila na Nagkaroon ako ng HIV. Nagkaroon ako ng Partner at siya yung una kong partner sa buhay, sinabi ko din sa kanya. Nangako sya sa akin na walang magbabago. Pinanghawakan ko yun kasi may taong yayapos sa akin sa ganoong mga oras, sinandalan ko sya ng buong buo, nakalimutan ko na nga ang pamilya ko dahil sa kanya. Pero sa huli iniwan nya din ako ng walang wala. Siguro dahil Negative sya at natatakot na mahawaan ko. Ngayon ay bumalik na ulit ako sa pamilya ko at tinanggap nila ulit ako. Sobrang hiyang hiya ako sa pamilya ko kasi sila itong may tunay na may malasakit pero ako ang lumayo sa kanila.😭😭😭
6 months after ng magsimula akong mag ARV nagpalaboratory ako para sa Viral load. <34 na lang yung virus sa katawan ko at undetectable na daw sabi ng doctor. Pero di pa rin ako natutuwa kasi nananatili at mananatili yung virus sa katawan ko habang buhay.
Ngayon nagbabalak na akong maghanap ng trabaho sa maynila pero nandun pa din yung takot na gaya ng sa simula kong kwento. May agam agam pa na kakayanin ko ba ulit magtrabaho.
Sanay mga tao sa grupong ito na makausap ko pa para magbagian kami ng mga karanasan. SALAMAT sa pagbasa ng aking kwento.
At baka matulungan nyo na din ako magkaroon ng trabaho. 🤗🤗🤗
[text_hash] => 32ef026e
)