BLOOD BROTHERS (BOYXBOY) – ETHAN JAMES – Read boyxboy Novel Online Free
// qc

BLOOD BROTHERS (BOYXBOY) - ETHAN JAMES

Array
(
[text] =>

DAHIL ANNIV KO, SHARE KO STORY KO: Hi, itago niyo na lang ako sa pangalang Ethan,29 at ginawa ko ang pang MMK na kwento ko upang magbigay aral sa mga taong negatibo o positibo na tulad ko. Sinulat ko ang aking kwento upang magbigay buhay naman kahit konti lang sa mga kapwa ko na hindi natin kailangan matakot ng bongga o isipin na katapusan na. Habang sinusulat ko ito hindi ko alam paano simulan kasi hindi naman talaga ako story writer kaya bahala na kung ano kahihinatnan ang mahalaga maintindihan hehe.Sa lahat ng nagsulat ako lang yata ang hindi nag English kasi mahina naman talaga ako sa englesh hehe.. Aking sisimulan ang kwento ko taong 2015 na kung saan nagsimula ang naramdaman kong pagbabago sa katawan ko! Nagpunta ako manila upang maghanap n ng trabaho ngunit sa kasamaang palad iba ang nakita ko! May nakilala akong tao sa manila na kung saan tumulong sa kin sa pag hahahap noon, na kung saan sa hindi ko inaasahang pangyayari may nangyari sa amin. Oh wag ko na lang idetails lahat ahh basta yun na yon haha. September nagkaroon ako ng rashes sa balat ko, at sa panahong yun hindi ko alam na sintomas napala yun, Sakto naman na stress ako that time kaya nangayat din ako.Inisip ko na bunga lamang ng pagiging stress ko ang lahat kaya di ko inisip na may mali na pala. May alam na ako sa sakit hiv noon ngunit hindi pa ganon kalawak ang aking kaalaman! Dahil sa pangyayaring yon hindi ko na tinuloy ang pag apply dahil ramdam umuwi ako sa probinsya dahil sa pakiramdam ko na parang doon lang ulit ako makakabawi sa binagsak katawan ko! Marami ang nagtaka kung bakit laki ng pinayat ko. Lumipas ang ilang buwan sa probinsya bumalik na muli ang dati kong katawan, maaring tama nga ako at dito hiyang ako kesa Manila.Tumaba na ulit ako at sa pagkakataong yun kailangan ko na ulit mag apply ulit, ngunit sa abroad naman. Sigeh mag oopen ako konti about sa relasyon ko, at tunay kong pagkatao, haha opo isa akong discreet bi, ngunit may alam ang family ko tungkol sa akin at tanggap nila ako. Alam nila na lalaki ang gusto ko at nagiging jowa ko. Hiwalay na ako sa jowa ko nung nakaramdam ako ng pagbabago sa katawan ko at yung nakilala ko sa Manila siya ang naging sunod na nakirelasyon ko. Mahal pa rin ako ng ex ko kahit pa sabihin na niloko ko siya at natukso ako sa iba. OO maaring mahusgahan niyo ako kesyo karma ko o malandi na ako haha. Tatanggapin ko Kasi inaamin ko naman nagkulang at nagging pabaya din ako sa sarili ko. Nagkabalikan kami ni ex ko at tinanggap niya ulit ako, kaya nasabi ko rin na may forever na. Ngunit nung nagkabalikan kami ni ex nag apply na pala siya ng abroad nun. November nung nakaalis siya patungong Middle East. Kaya nagiging LDR na ang relasyon namin. Happy ako kahit papano natupad din ang dream niyang makapag abroad na. Year 2016 bumalik ako ng Manila upang mag apply na ngunit hindi na sa Local kundi sa abroad na! May isang tito ako na gusto daw ako tulungan papuntang abroad. So grabbed ko agad ang opportunity kasi tutulungan naman na ako. Masaya na rin ako kasi matutupad ko na din ang pangarap kong makapag abroad at makatulong sa pamilya. Anim kaming magkakapatid ang panganay naming ay kinuha na ni Lord sasakit na Diabetes. Nauna na sa abroad ang dalawang kapatid ko kaya its my turn naman para mag apply. Nandiyan din sila para tumulong na sa ibang gastusin lalo na sa allowance ko sa Manila. October 2016 binigyan na ako ni Tito ng pang medical ko nun,kaya excited na ako na mejo kinakabahan kasi medical na at baka may Makita silang mali sa katawan ko, Ngunit hindi naman nawala ang tiwala k okay Lord na hindi ako pababayaan. Tatlong araw muna bago ang medical kinondisyon ko muna ang katawan ko, upang maging maganda ang findings. Kumain ako ng masutansya natulog ng maaga, diet sa pork at uminom ng fresh milk. Sinamahan ko na rin ng dasal na sana maging ok ang lahat. Tatlong araw bago malaman ang result ng medical kaya nag antay ako nun, ng biglang tinawagan ako sa agency ko na pinagrereport ako! Ayun sinabihan ako na ok na daw medical ko. Kaya nagproceed naman ako sa pag fill up ng form for training daw. Ang pinaagtataka ko bakit agency mag sasabi na ok na medical ko eh di pa naman ako tapos sa vaccine para sabihin na ok na talaga. Kinabukasan tinawagan ulit ako ng agency ko pinagreport , pagdating ko doon, sinabihan ako ni Maam Jean na sa clinic daw may pending ako sa medical! Oh god bigla ako kinabahan that time. Habang naglalakad ako dinadalangin ko na sana ok lang ang lahat, sana kung may mali man sa findings hindi ganon kalala. Bumalik ako sa UN station nun, nag LRT ako na parang lumilipad isip ko na balisa, napakanegative thinker din kasi ako hehe, nakarating ako ng 10am sa clinic, pagdating ko don kumuha ako ng slip at pumila para sa follow up. Sobrang nanginginig ako sa lamig ng aircon ba o sa nerbyos haha, pagkatawag ng name ko, Tinanong ako ng staff sa loob kung ilang beses ba ako kinuhan ng dugo, sinagot ko ng once pa lang po sir. binigay ang medical form sa kin. At nabasa ko sa remarks na nakasulat in red ballpen na PLS REFER TO SIR DAN! Wala akong alam about sa medical na yan ngunit lalo ako kinabahan nung nabasa ko ang sulat na yun, na kung saan sa laboratory ulit ako pupunta. Sinulyapan ko ang ibang kasama ko kung may katulad sa akong remark na ganun ngunit wala ehh,, diretso na yung iba sa vaccine, dahil ang buong akala ko vaccine na din ako kaya pinabalik ako ng clinic. Mali ako, at maya maya pa may isang nurse na lumapit sak in at nagbigay ng HIV TESTING FORM , at pina fill up sa kin. Grabe ang kaba ko nun, halos sa sobrang nginig ko di na ako makapagsulat ng information ko sa form dahil nabasa ko sa form na, para sa HIv test ulit ang gagawin sa kin. Hindi ko inisip na positive na ako dahil parang consent form yun for HIv test at di naman ako sinabihan na hiv positive na ako.kasi ang alam ko kapag sa medical di ka ittest kung walang consent na galing sa akin Kaya inisip ko na lamang na part yun ng process sa medical at isolated ang hiv test kaya ganon ang dating.Pagkatapos ako kinuhanan ng dugo sinabihan ako ng nurse na nag extract na in 3 days may result na ito. Kaya lumabas na ako sa lab. Nung malapit na ako sa pintuan palabas hinabol ako nung nurse na nagbigay sakin ng consent form, at sinabihan ako na Sir, in 3 days po kapag may result na kakausapin po kayo ng head namin! Dahil doon lalo ako kinabahan na parang gusto ko na umiyak palabas pababa ng building.. kasi iniisip ko na may mali na talaga. PEro ayuko mag isip ayuko mastress, kaya lalo ko inisip na lang na test pa lng yun at wala pa tlagang result! Naglalakad ako pauwe nun, instead na sumakay ako LRT pa Roosevelt , naisipan ko na lang na sa Baclaran church na muna ako, upang kausapin si Lord na bigyan ako ng magandang pag iisip at huwag mag isip ng kung ano ano,, Pinagdasal ko na rin n asana maging ok ang result ng test kasi nararamdaman ko kasi noon na parang may mali na talaga. Umiyak ako noon na parang napanghinaan na ng loob kahit wala pang result. Pero sarap sa pakiramdam na kinakausap din pala siya sa ganong sitwasyon na parang nawawalan tayo ng pag asa.Lumipas ang tatlong araw, hapon nakahiga ako sa apartment ko, nag biglang may tumawag na landline at sinabing sa clinic daw yun, sinabi sakin na na may result na at need ko bumalik bukas ng 10am para kausapin daw ako nung head nila.Tinanong ko ang nurse dahil paranoid ako, kakausapin ba ako ng head niyo dahil positive or negative, sagot niya oo, kaya di ko pa rin masabi na confirmed na ako!Kinabukasan bumalik nga ako sa clinic before 10am nandon na ako, nakaupo ako doon na sobrang nanginginig ako sa nerbyos sumabay pa ang aircon haha.sinabihan ako ng staff na antayin na lang daw tawag sa kin sa lab, kay sir Dan sabi niya Lumipas na ang dalawang oras wala pang tawag sakin halos malowbat na ako sa kakachat sa jowa ko na nasa ibang bansa, ngunit bago pa ako bumalik don alam na niya na ganun ang nangyari sa medical ko kaya maging siya ay kabado sa resulta. Sinabihan ako na maging relax lamang at magpray, kung tutuusin jowa ko ang unang nakaalam sa sitwasyon ko. Isa din sa kinatatakutan na niya na kung nagging positibo ako baka siya ay nahawaan na din bago pa nagflight. Ayun 2hrs ako nag antay 12noon na break time ng mga nurse wala pang tawag sa kin nagsilbasan na mga tao sa lab, ngunit di pa ako tinatawag, at inisip ko na nakalimutan na ako. Maya maya pa ay tinawag na ako ng isang nurse don na pumasok na, sakto iilan na lamang nurse nandoon kaya ok lang na pasok ako walang hiya. That time ko nameet si sir Dan, isang head physician nila. ANg bait niya, ganda ng approach niya sa kin. Ayun pinapasok ako sa loob hawak ang medical record ko, at pinaupo ako. Tinanong niya ako kung may alam ako sa HIV so sumagot ako na meron din naman po, kaya no need to discuss pa ng marami sabi niya. Diniretso niya ako, in nice way, Mr Ethan base sa test na ginawa naming sayo, we found out na positive ka sa antibodies ng HIV. Hindi ko alam isasagot ko that time na natulala na laman ako. Ngunit sinabihan niya ako na, but wag ka muna mag isip na may sakit ka na or positive ka na, dahil meron pa tayong tinatawag na confirmatory test. Kaya pala kinuhanan ako ng dugo daw n ulit dahil pinadala nay un sa DOH para sa confirmatory. Isa sa mga di ko nalimutan na sinabi ni Dok sa akin, na mabubuhay pa naman daw ako ng 5 years kung may hiv man ako, Kung pagbabasehan ko ang mga experience ng tulad kong PLHIV dito mali ang sabi niya sakin kasi more than 5 years pa ang mga kilala kong survivor.Napag isip ko kung tama ba si Dok or mali kasi sabi naman sakin sa hub ko ngaun mali daw na sabihan ako ni Dok ng ganon. Well inisip ko na lamang na hindi naman siguro porket field na niya eh alam na niya lahat or sadyang mali lang pagkaka-state niya or kulang. Bahagya ako nabuhayan dahil may pag asa pa dahil sabi ni Dok pagpray ko na false positive lang or negative pa rin ako sa antigen na yan. Nakangiti sa kin si Dok at nginitian ko din siya, suggest lang sa akin na habang nag aantay ng result need ko daw palakasin immune ko. Kaya naisipan ko na kailangan ko muna umuwi ng probinsiya dahil ramdam ko na doon mas healthy ako. Pagdting ko ng boarding para akong balisa, maluha luha ako at pakiramdam ko nabagsakan ako ng langit at lupa. Dumating ang kasama ko sa apartment na si Mateo hindi niya tunay na pangalan dating kasama sa work ng kapatid ko sa work na nasa abroad na ngayon. Tinanong niya ako kung bakit namumugto ang mata ko at tila kakaiba ang meron sa akin. Tama siya umiyak nga ako bago pa siya dumating. Isang matalik ko na rin na kaibigan si Mateo at parang kapatid na rin turing ko sa kanya. Katulad ko din siyang bisexual. Sinabi ko sa kanya ang case ko, at naitintindihan naman niya. Sinabihan ako na magiging ok ang lahat at mabubuhay pa rin naman ako sa normal. May alam din siya sa HIV kaya never niya ako pinakitaan ng turing na kakaiba kasi alam naman niya na di basta basta nakakahawa ang virus na ito.Sunod na sinabihan ko naman ang jowa ko about sa resulta at tulad ko nababahala na din siya sa sarili niya lalo pa at nasa middle east din siya. At alam natin na masyado silang strikto doon pagdating sa ganitong case. Sunod ko sinabihan ang kapatid kong nasa ibang bansa din na nasa middle east at nagulat siya sa nalaman niya. Tulad na lamang ng ibang advise, sinabihan ako na wag maging pabaya sa sarili ko at dapat na lalo ko pang alagaan ang sarili ko. Stay healthy dapat at iwas sa stress dahil makakasama sa immune ko ang pagpapabaya sa sarili. Hayun sa unang pag kakataon tatlo na ang naunang nakaalaman sa case ko at sunod naman na ipapaalam sa mga magulang kong nasa probinsya na ang buong akala din ay ok na ang aking medical. Tinawagan ko si Mama ng gabing iyon at sinabi ko ang totoong nangyari sa kin, saktong nandon din si Papa sa tabi niya habang kausap ko siya. Pagksabi k okay mama naramadaman kong sobrang nalungkot din siya. May alam naman sila sa sakit na ito kaya wala din silang ibang nasabi kundi ang ok lang yan anak. Lumaban ka lang. Sinabihan nila akong umuwe na lamang ng probinsya at doon mamuhay na lamang katulong ko sila. Ang saya ko kasi kahit ganon ang nangyari ay naintindihan ako ng mga magulang ko. Na kahit pa sabihin na di ko na matutuloy ang pangarap kong mag ibang bansa ay tinanggap pa rin nila akong normal na tila wala lang. Sinabi ko at inexplain ko sa kanila ang mga dapat kong gawin upang mabuhay pa rin ako ng matagal sa mundong ibabaw dahil kahit di ko man nakitang umiyak sila ramdam kong masakit din para sa kanila ang sinapit ko! Well sabi nga nila di katapusan ang pagkakaroon ng HIv at hindi rin masasabi na life sentence ito maliban lamang sa taong ayaw ng lumaban para mabuhay pa! Umuwi ako ng probinsya, pagdting ko sa bahay niyakap ko mga magulang ko, at pagkayakap ko sa kanila, nginitian ako sabay sabi na ANAK OK LANG YAN,  Dito ka na lang muna at tulungan mo kami kasi namimiss din daw nila Mama na may anak silang naiwian dito sa bahay dahil mga iba kong kapatid ay nasa ibang bansa na rin. Wala na din kuya kasi kinuha na ni Lord kaya happy din sila na nandito ako at bumalik. Walang nagbago sa turing nila sakin, kaya normal pa rin ang buhay na pakiramdam ko that time. Since wala pa ang confirmartory sinabihan ako Mama na magpray ako n sana magng negative pa rin ako. Lumipas ang ilang araw medyo nagiging ok na rin ang pakiramdam ko, kasi nga may kalayaan na ako sa loob ng family ko ngunit nagdarasal pa rin ako na magiging ok pa rin ang lahat upang matupad ko din ang dream ko na makapag ibang bansa ako para sa family ko. Sa mga nagdaan na araw lalo ko narerealize na kaya siguro nangyari sa kin ito eh dahil hindi talaga para sakin ang ibang bansa. Siguro kagustuhan na rin ni Lord sng nangayari sakin dahil nga mas kailangan ako ng mga magulang ko dito. Unti unti ko na rin natatanggap na kung ano man ang maging resulta, hindi ito kaparusahan kundi kagustuhan na laman ng nasa itaas dahil may ibang plano siya para sakin.Kaya sa mga bagong plhiv diyan huwag sana natin isipin na pinaparusahan tayo ni Lord kundi minumulat lang tayo sa tamang daan patungo sa kanya. Ang unfair naman kasi noh, kung kelan naman kasi may HIv na tayo saka lang natin naaalala siya. Kung kelan naman na namali na tayo ng landas saka tayo napapalapit sa kanya. MAAring iyon ang dahilan niya kasi kahit naman binigyan tayo ng forever na virus hindi ibig sabihin ehh pinabayaan na tayo. Binibigyan lang tayo ng pagkakataon na mas lalo pa natin alagaan sarili natin dahil nagiging pabaya na tayo. November ang expected ng malalaman ko ang result dahil sinabihan ako sa clinic ni dok na aabutin ng 15 days ang confirmation from Doh. Inabot pa rin ng isang buwan dahil October 25 nung nalaman ko sa rapid test na pos ako. December na nung may nagtext sakin na may result na daw. Kaya sakto naman na papa-Manila na ako that time upang magbakasyon sa Batangas with my family. Dinaanan ko na lang sa clinic ang result nun, Ayun pumunta ako ng 10am sa clinic at mas maaga pa ako sa tinakdang oras. Tulad ng dati nag antay ulit ako ng dalawang oras bago ako tawagin. Break time na or lunch break na ulit ng mga nurse nung tinawag ako sa loob. Kaya wala ng tao nung pinapasok ako ni Dok Dan. Siguro ganun nga talaga ang proseso saktong 12noon ang asikaso sa mga tulad ko., but its ok. Medyo hindi na ako kinakabahan kung ano man ang magiging resulta kasi bago pa man ako nagpunta pinagpray ko nan a kung ano man ang result alam ko na tutulungan ako ni Lord. Mas ok na ngayon kasi napapaligiran ako ng mga taong tatangapin ako kahit ano pa man ang kahihinatnan ko.Ayun pagkapasok ko naupo si Dok at pinaupo din ako, nakasmile lang isya sa kin at sinabi ang resulta ay POSITIVE! Wow! Jackpot nga ako. Inexplain pa sakin na tatlong method ang ginawa nilang test upang masiguro lang ang result. Bale pinakita sakin at inexplain ang confirmatory result. Sinabihan ako na di naman daw ako pababayaan ng DOH kaya sinabihan ako na magpunta ng San Lazaro at mag undergo daw ako ng treatment. Wala pa akong alam about sa hub, arv, noon kaya naisip ko na kailangan ko ng makakasama pagpunta ko doon. BInigay sa kin ang result at umuwi ako, sa apartment at naghihintay na din si mama doon. Sinabi ko sa jowa ko na positive nga at sa sa mga kaaptid ko. Pagdating ko apartment inabot ko kay mama ang result. Siyempre nalungkot din siya at sinabi ko na kailangan kong magpunta ng San Lazaro para sa gamutan ko. Honestly di ko kabisado ang ruta papunta doon, walaako masyado alam sa Manila kasi taga probinsya lang ako hehe kaya si Mama na lang ang sinama ko dahil siya may alam papunta doon. Laking todo na din si Mama at dito din sila nagkakilala ni papa kaya kahit sang parte ng lungsod kabisado ni Mama. Sinama ko na din siya sa dahilan na kahit papano maisama na rin siya sa counselling at madagdagan din kaalaman niya about sa sakit ko. Nadamay ko pa siya tuloy pero ramdam ko na handa niya akong damayan kahit ano pa man mangyari sakin and very thankful ako kasi nagkaroon ako ng Mama na tulad niyang kaya akong intindihin o unawain. Kinabukasan nagpunta na kami ng Hospital, pagpasok pa lang naming sa bulwagan sinabihan ako ni Mama na alam mo anak nung bata ka pa dito ka rin naconfine, nung ngkasakit ka ng tigdas. Wow that time ko lang din nalaman na San Lazaro din pala ang unang hospital na napasukan ko, at that time muli akong nagbalik. Bata pa kasi kami nung nasa Manila kmi nag stay bago pa nagdecide si papa na umuwe ng lang ng probinsiya.Nagtanong tanong kami sa mga guard kung san ang department para sa mga hiv pos. Dalawang pinto pinasukan naming ngunit puro mali ang direksyon na napupuntahan naming.Habang naglalakad may isang lalaki na nasa edad na rin siya, at minabuti naming sa knya nagtanong kung san ba dito ang building para sa mga hiv pos. Sinabihan kami na sumunod sa kanya at saktong papunta din pala siya sa H4-OPD kung di ako nagkakamali hehe. Doon pala yun, at sinabihan kami kung ano ang mga dapat gawin dahil first time nga eh hehe. Doon ko napagtanto na isa pala siya sa mga staff ng OPD na yan. Nakamask ako noon nung papasok ako sa loob nakita ko din ang mga kapwa ko plhiv, na nagaantay sa loob for check up na rin siguro. Una nahihiya talaga ako pero nagiging medyo komportable naman ako dahil sa suot kong mask. Saka inisip ko din naman na wala sinuman nakakakilala sa kin doon. Pinaupo ako ng nurse on duty sa harap. Kinuhanan ako ng vital signs pagkatapos noon mag aantay ako para sa next step na hiv counselling. Maya maya pa tinawag ako sa taas, at bago ako umakyat sinabihan ko ang staff doon kung pwede bang isama ko si mama for counseling? Sagot niya oo daw kaya tinawag ko si mama at sabay kmi umakyat sa taas. Yung taong napagtanungan naming ng saktong location na matanda siya pala ang nakaabang sa taas for counseling haha. Now I know kung ano ang papel niya doon. Ngumiti siya at alam na pala niyang ako ang susunod na iccounsel. Una ako muna ang kinausap niya alone at sunod kami nan i Mama. Sinabihan din niya si mama kung ano ang mga dapat gawin upang makatulong sa kin. Bale si mama na daw ang magiging treatment buddy ko if ever magstart ako ng ART. Tinanong ako ni Sir kung taga san ba talaga ako, at sinabi ko ang probinsya ko, tapos nabigla siya dahil kung sa San Lazaro ako mag stay ng hub malayo daw sa Cagayan! Hello sa mga kapwa ko Cagayano hehe. Kaya sinabihan ako na may hub naman daw ng DOH sa CVMC, (Cagayan VaLLey Medical Center) kaya hindi daw ako pwede sa San Lazaro kasi sobrang layo na sa exact address ko. That time counseling nalang daw ang maibibigay niya kasi I decide na doon na lang ako sa malapit sa amin. Hindi na ako magprroceed sa ibang lab test muna. Ayun nga di na natuloy dahil di talaga pwede ako rin daw mahihirapan sa refill and check up na sinasabi. Sabagay tama nga naman pamasahe pa lang mahal na at magastos na. medyo naintindihan ko na din about sa treatment pero since hindi pa kami pwede umuwe ng probinsya kailangan ko muna magpalakas ng resistensya. Magbabakasyon kasi kami sa Batangas at may reunion ang family sa side ni mama kaya kailangan ko din pumunta. Tagal ko na din hindi nakakabalik sa birthplace ko since nung umalis kmi doon nung paslit pa kami. Kaya pagkakataon ko na rin bumalik muna at muling masilayan. Magpapasko na non at iisa lang na gift ang hiling ko sana kay Lord yun ay ang mag negative ako ngunit hindi niya binigay. Sabi nga nila hindi lahat ng hinihiling ay binibigay, ngunit di rin yun naging dahilan upang magtampo ako sa kanya. Pinanghawakan ko na lamang na may plano talaga siya para akin at alam kong hindi niya ako pababayaan. May mga pagkakataon na bigla na lamang ako umiiyak kapag naalala ko ang nangyari sa kin, lalo na sa gabi na kailangan ko ng taong kausap ngunit hindi ako nagpadaig sa sitwasyon na halos mapunta na sa depression. Hindi tama kaya instead na gawin ko inaliw ko na lamang sarili ko sa pakikipag usap sa mga kaibigan kong dumaramay sakin. Kinakausap ko na lang si Lord dahil siya lang ang makakatulong sa sitwasyon na feeling ko down ako. Nakakasama din Kasi sa akin kung pagpapatuloy ko ang ganoong sitwasyon. Pasalamat ako kasi nandyan pa rin si Jowa ko na nagbibigay lakas sa kin na wag sumuko dahil hindi ko pa naman daw katapusan.Sana nga hindi rin niya ako iwan at sana totoong mananatili siya sa kin hanggang sa huli. Pinaparamdam pa rin niya sa akin na kahit may HIv na ako nandyan lang siya para sa kin. February 2017 nag apply na ako ng Philhealth ko (individual) dahil yun ang advise sa kin nung counselor sa San Lazaro dahil kakailanganin ko daw yun soon pag nag start na ako ng ART ko at hindi nga siya nagkamali. Nagpunta na kami ni Mama sa hub, sinamahan nanaman niya ako dala ang confirmatory from DOH. Pagkabigay ko nun sa nurse sa hub agad ako inassist. Tinawag agad si Doktor para sa interview bago ako gagawan ng lab test. Nandon si Mama Noon siya na nag asikaso ng MDR ko dahil kakailanganin daw para sa documents ko. Pagtapos ng lab test nakita naman ni Dok na ok ang lahat walang OI mataas ang CD4 counts with baseline 460. Binigyan na ako ng ARV na Lami at Nevi at need ko na daw mag start as soon as possible habang maaga pa! Hindi ako agad uminom ng arv ko dahil natatakot ako sa magiging side effects haha. Pagdating ng March doon pa lang ako ngstart at sa mga nagdaan na araw ok naman pero habang tumatagal napapansin kong nawawalan ako ng gana at lagi ako nasusuka! Pero hindi yun dahilan para stop ko na ang arv dahil mas nakakasama daw kapag inistop ko. Tinuloy ko pa rin kahit ramdam kong di ako ok sa arv lalo pa wala pang 15 days para balik ako sa hub for check up. Bale trial pa lang ang ginawa ko. Sabi nga ni nurse kung hindi ko daw sisimulan pano ko malalaman ang hiyang sa kin, kaya tuloy lang. Hindi nagtagal nakaroon ako ng ubo na umabot ng isang linggo, at nagkaroon din ako ng zolters herpes sa balat. Nilagnat ko pa nga eh at halos mawala boses ko kakaubo ng dry. Bumalik ako sa hub ng ika 15 days of taking arv upang magpacheck up. Kinuhanan ako cbc, at binigyan ako ni Dok ng gamut para sa zolters herpes, bale may iinumin nanaman ako in 7 days niyan. Water therapy lang ako para sa ubo, isang linggo lang gumaling na ako at nawala na din ubo ko. Bukod don nagkaroon nadin ako ng singaw na nagpahirap sakin upang kumain ng marami. Kaya nangayat nanaman ako. Sabay sabay din gumaling ang mga inspection ko sa awa ni Lord.Naisip ko nga bakit kung kelan ako nag start ng arv saka naman nagsilabasan ang mga sakit ko! Siguro nga tama ang sinasabi ng iba na once nagstart ako sa art doon ako makakaramdam ng kakaiba. Iyon yata ang tinatawag na IRIS analysis. Hehehe tama ba? Hindi ibig sabihin na nagkasakit na tayo eh bagsak na katawan natin kundi ito yung level na kung saan nag aadjust ang katawan natin sa arv. Ayy ewan hehe yun ang alam ko jan bahala na kayo. After Month bumalik ako sa hub para sa cbc check up and refill na rin at doon nila nalaman na bagsak ang cbc na side effects nga ng gamo ko na LZN. Kaya nagdecide si Dok na palitan ang gamut ko ng LTE. Ang saya ko kasi sa apat na tablet isng araw nagging isang inuman na lang mas convenient at isang alarm na lang ako sa gabi hehe.AYon nga nka 10 days na ako sa bago kong arv at ramdam kong ang ganda ng reaction sa katawan ko. Bumalik ang gana kong kumain napapadami na ko sa kain at hindi na ako lagi naduduwal. Thanks God at parang nakita ko na rin ang forever ko sa arv na yan. Heto balik sigla na rin ako, binigyan na rin ako ni Dok ng ferrous sulphate para sa cbc ko kasi need ko daw bawiin ang binaba. Kaya sa mga bagong diagnose na tulad ko diyan huwag kayo mapanghinaan ng loob dahil hindi naman katapusan ang hiv nay an. Hiv lang yaN At kaya nating labanan yan basta healthy lifestyle lamang tayo. Huwag natin isipin na kayo lang ang may ganyang kaso dahil marami tayo upang magdamayan. Speaking of madami, wag naman n asana dumami pa, kaya sa mga tulad kong plhiv maging daan sana tayo upang bigyang kaalaman ang mga iba na maging maingat at hindi maging pabaya sa sarili. Huwag natin isipin na tayo lang ang may sakit, kasi kung iisipin swerte pa rin tayo kesa mga taong biglaan na lang namamatay diyan. Tayo, hindi pa naman mamamatay eh binibigyan pa tayu ng pagkakataon na mas alagaan natin ang ating sarili. Pasalamat pa rin tayo dahil kahit positibo na tayo, nandiyan pa rin ang gobyerno natin para tulungan tayo sa gamutan. Kung iisipin natin mas nabubuhay pa tayo ng matagal at normal kesa mga ibang may karamdaman diyan db? Kasi meron tayong libreng gamut samantala yung ibang karamdaman, diyan mahal mahal ng nagagastos. Hindi ko naman sinasabi na swerte tayo na nagkaroon tayo nito. Mas maswerte pa rin tayo dahil kung bibilhin pa natin ang gamut natin baka sa sobrang mahal ay di natin makayanan. Huwag tayo magpapakamatay dahil mas lalo tayo gumagawa ng kasalanan, ang dming lumalaban jan sa sakit na cancer tapos ikaw papatayin mo lang sarili mo? Hindi tama yan bez..laban lang tayo. At lalo tayong lumapit kay Lord dahil di naman niya tayo pababayaan. Huwag mong isipin na walang makakaunawa sayo, meron at meron yan kahit pa yung iba sa tin eh tinakwil na ng pamilya nila. Walang makakatulong sa tin kundi sarili mo at tayo lang ang magdadamayan kaya sana sa mga kapwa ko positibo diyan. Maging mabuti din sana tayo sa kapwa natin. Laban tayo sa stigma at discriminasyon. Alam niyo guys base sa observation ko mas nakakatulong sa atin ang lumabas ng bahay bilang isang normal na tao. Yun bang nakikisalamuha tayo hindi lang sa kapwa natin plhiv kundi sa mga di rin pos. mas mahirap kasi ang pakiramdam na nasa sulok ka lang at nagmumukmok dahil sa sitwasyon nating ito at iniisip na wala ng pag asa kailangan din natin ng malusog na pag iisip at malayang buhay. Sana maging aral din sa tin ang pagiging plhiv natin at huwag sana tayo gagawa ng mga bagay na mas ikakapahamak pa natin o ng ibang tao positibo man o negatibo. Sa mga negatibo diyan, lumapit kayo kay Lord hindi yung kung kelan lang kayu maging positibo saka niyo lamang marrealized na malayo na kayo sa kanya. Sana mas palawakin pa ninyo ang kaalaman niyo sa epidemyang ito upang may mashare naman natin sa mga kapwa natin na kulang sa kaalaman. Huwag sana tayung magkalat ng mga maling impormasyon tungkol sa hiv, saka sa mga taong hindi pa alam ang estado dyan, magpatest na kayo habang maaga kasi wala naman mawawala sa inyo. Huwag tayung matakot guys dahil mas nakakatakot na sa huli na lang natin malaman para lumaban tayo. Sa una talaga natakot ako pero ngayon tanggap ko na kung anong meron ako at patuloy na lumalaban sa buhay lalo pa ramdam ko ang pag mamahal ng mga taong nakapaligid sakin. Thankful ako na wala silang pinapakitang pagbabagong turing sa kin dahil mas pinapakita nilang hindi ako dapat matakot at katakutan or pandirian. Heto kasama ko family ko, andiyan si JOwa ko nagmamamahal at mga kaibigan kong hindi ako iniiwan. SARap sa pakiramdam.. Tuloy ang buhay kahit pa isa tayong mutant, este pos. hindi yan dahilan para iturin na tin na hindi na tayo normal na tao. Alam ko na hindi tayo pare pareho ng buhay, ngunit gayunpaman pwede tayong maging iisang kapatiran na nagkakaunawaan at nagmamahalan. Basta healthy lifestyle lang tayo, sunod sa mga payo ng ID natin at mabubuhay tayo ng normal. Sa status naman ng jowa ko inaantay na lang niya medkal niya doon upang malaman kung pos din siya pero pinagdadasal ko na lang n sana negative siya kahit yun lang sana igrant ni Lord na prayer ko.wala akong ibang sinisisi sa case ko na ito na ibang tao, kundi sarili ko, na minsan nagiging gago at loko loko. Sa ngayon katatapos lng ng CD4 test ko thanks Lord from 460 naging 656 na,,,at umaasana tataas p. Sana sa isang taon ko na din sa VL ko eh maging UD na rin ako. Salamat sa LTE at hindi niya ako binigo din, salamat din sa mga taong tumtulong sakin at sa mga nurses na nasa hub ko very bait nila,,, Umaasa din ako na may makilala din akong tropa kong magiging compatible din para sa kin na tulad kong PLHIv. Sa case naman ng JOwa ko katatapos lang din ng medical niya don sa ME. Thanks God non reactive siya… pinagpray ko din kasi na sapat na ako na lang wag ng dumamay pa hehe.. Wala naman ako ibang sinisisi kahit pa sabihn na kilala ko yung nanghawa sa akin.. siguro sa kapabayaan ko na din talaga ito at pagiging marupok sa sarap haha. Sabagay damage has been done kaya wala akong ibang magagawa kundi ang tanggapin na lamang at ituloy ang buhay. kaya sa mga tulad kong plhiv dyan kung ramdam niyo walang nakakaunawa sa inyo nandito lang ako ohh pwedeng maging kaibigan at kausapin. Mag usap tayo kapatid. Salamat sa matiyagang pagbabasa, kahit napahaba nah aha… ako po si Ethan HIV pos LUmaban!

[text_hash] => 2b202b07
)

//qc
//QC2