BLOOD BROTHERS (BOYXBOY) – BILLY REY – Read boyxboy Novel Online Free
// qc

BLOOD BROTHERS (BOYXBOY) - BILLY REY

Array
(
[text] =>

Hi. My name is Billy Rey Castillo and I am HIV+.

I’m using my personal profile not because I’m proud of the virus that I have but because I’ve learned to accept who I am. I respect the decision of most of the members here using a dummy account to protect their identity from discrimination, bullying or whatever valuable reason.

Kung ating iisipin, hinahangad natin na matanggap ng pamayanang ginagalawan natin sa kabila ng virus na ating dinadala kaya hangga’t hindi tayo tinatanggap, karamihan sa’tin ay gumagawa ng dummy account. Una sa lahat, wala tayong dapat ikatakot. Tayo ay protektado ng saligang batas laban sa diskriminasyon. If we want to be accepted by others, let’s make sure that we wholeheartedly accepted ourselves.

Marahil ilan dito ay kagaya kong iniwan ng partner dahil sa sakit na ito. Marahil ang iba ay nalulungkot sapagkat ang pamilya nila’y hindi sila matanggap. Marahil nakakaranas ng diskriminasyon ang iba dito mula sa ibang tao maging sa kanilang mga itinuturing na kaibigan.

Huwag kayong mag-alala. Sana palagi ninyong tatandaan na hindi kayo nag-iisa. Hindi pa din tayo ang pinakamalas na tao sa buong mundo. Maaaring may sakit tayo ngunit pinagpala pa din tayo sa ibang bagay.

Na-diagnose ako nito lang, June 2017. Hindi naging madali para sa akin ang tanggapin. Bago ko nakuha ang confirmatory ko, nasabi ko sa sarili ko na tanggap ko na kung mag positive na pero iba pa din pala kapag nasa harap mo na ‘yung sulat. Nang buksan ko ito, parang gumuho bigla ang mundo ko at ‘di ko napigilang tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ako nagdalawang-isip sabihin sa mga magulang ko sapagkat alam ko na hindi ko kakayanin lumaban mag-isa.

Tinanggap agad ako ng aking mga magulang. Nalungkot, oo pero ano pa nga bang magagawa namin eh nandito na ‘to. Naging madali para sa’kin tanggapin ito sapagkat kung ang mga mahal ko sa buhay ay lumalaban para sa’kin, dapat lalo na ako.

Ito nawa’y magsilbing halimbawa sa ibang mga PLHIV lalo na sa mga bago lang na nalaman ang kanilang status kagaya ko. Ang bigat na dala ng depresyon ay hindi biro. Naiintindihan ko ang nararamdaman n’yo. Alam kong kahit anong preparasyon ang ginawa bago tayo i-test eh mahirap pa din para sa atin tanggapin ito. H’wag kayong mag-alala. Hindi kayo nag-iisa kaya sana, patuloy tayong lumaban sa anumang hamon ng buhay dahil lahat ng nagmamahal sa atin ay kasama nating lumalaban. H’wag natin silang biguin.

#HACG

[text_hash] => a1a5b397
)

//qc
//QC2