Array
(
[text] =>
Last night I was talking to myself, “Pangit po ba ako, Lord? Kapalit palit po ba ako? Or kapangit pangit lang talaga.”
I was having time to okray myself that time. Tapos naalala ko lahat ng nangyari sa akin, from the beginning of time.
I was born with a twin brother, kaso maaga siyang kinuha samin. We’re identical babies. I miss you Alex, I know you’re there waiting as well with our Mama. Growing up, never akong tinanggap kinarga or niyakap ng papa ko. Sakin nababali ang mga hanger sa bahay, pinapaso ako ng upos ng sigarilyo. Never ako nagsumbong sa nanay ko kasi ayaw kong mag-away sila. Nag-aaral ako pero hindi ako sinusustentuhan ng Papa ko. Never nya akong binati dahil sa mga medals na naiiuwi ko sa bahay. Ang nakikita niya lang ay yung older brother ko kasi malaki pangarap niyang makakapagpasa siya sa PMA. May isang beses na naglalaro ako na nasunog ko yung jacket ni Papa, galit na galit siya sa akin. Yung galit na gusto na akong patayin. “Hindi kita anak.” Yan lang tumatak sa isip ko non. Naihi na ako sa shorts ko, sinuntok ng ilang beses. Iyak lang ang naisasagot ko sa kanya. Nung isang beses na nakita ni Mama yung mga pasa at paso ko sa katawan, nag-away sila. Ang sakit makita na wala akong laban – kami ni mama sa papa ko. Nanahimik ako.
May isang event na pinaglaruan ako ng kapatid ko. Tinali ako sa leeg at ginawa akong aso. Inihian. Binuhusan ng mainit na tubig. Hindi ako lumalaban kasi alam kong masasaktan lang ako.
Nung inakala ni Mama na mamatay ako nung mga panahon na yon, wala na akong ibang pag-asa kundi si Mama lang. Siya lang ang dahilan bat ako lumalaban. Tinulungan ko ang sarili ko. Nagpapatanggap ako ng mga school works at nagpapabayad. Nagbebenta ako ng suman at pandesal sa mga teacher ko.
Syempre di natanggal yung pambubully sakin. Meron dyan yung pinagtatawanan ako dahil sa suot ko. Binabato ng kung ano ano. Pero lahat yun tiniis ko, sumali ako sa mga contests, ginalingan ko masyado sa mga subjects hanggang sa sumagad ako. Dalawang taon ako nagkakaroon ng seizures. Nahihimatay ako ng wala sa oras. Nalaman ni Mama na di ko ginagastos yung pera niya na binibigay sakin. Literal kong nilalagay ang tinutuluyan naming bahay sa Valenzuela hanggang school.
Paiba iba ako ng bahay na tinutuluyan. Hindi tanggap ng pamilya ni Mama ang pamilya niya, kaya kahit ako ginagawan nila ng kwento. Ayaw kasi nila sa tatay namin kasi nga daw ugaling hapon. Sobrang nasaktan ako nung malaman ko na ginagawan ako ng kwento ng pinsan ko. May computer shop kasi sila, at never akong pinalapit ni mama don kasi ayaw niya akong nandun. Iniiwas niya ako sa lalake kasi baka asarin ako. May mga nawawalang pera daw. Pero alam namin ni mama na hindi ako yun. Hanggang sa ako na yung sinisisi.
Sumusuko na ako nung panahon na yon.
Gusto ko na itigil lahat. Pagod na pagod na ako.
Plinano ko kung kelan ako magpapakamatay. Alas-4 ako pumasok sa school nun. Walang tao. Nagdadalawang isip ako. May hawak na akong gunting nun. Nakalagay na sa pulso ko. Umiiyak ako nung mga panahon nayon. Napigilan ako ng teacher ko sa Math nun, siya unang nakakita sakin.
Naging tsismis ang ginawa ko sa school namin.
May mga nahabag sa akin, may mga hindi na rin ako nilalapitan.
Pinagpahinga ako ni Mama sa Batangas. Isang buwan.
Pagkabalik ko. Mas minahal ko si Mama. Sabi ko, hindi ko siya pababayaan at siya ang magiging buhay ko. Inamin ko din sa kanya na BAKLA ako. Pinalo niya ako nun, kasi akala niya talaga straight ako. Dalawang taon ang nakalipas, kinuha naman ni Lord si Mama.
14 years old ako noon, hindi ko kinaya marinig balita na nagkamild stroke si Mama. Parang bumilog yung ulo nung makita ko si Mama na hindi ako makilala. Sabi ng mga doktor, wag kang iiyak kasi matitrigger siya. Baka magwala siya.
Sa loob ng tatlong araw, pinili kong maging malakas para sa nanay ko. Inisip ko na sana humaba yung buhay ni Mama. Lumakas pa siya, kahit ako na lang sana.
Ilang beses tinanggal ni mama yung tubo na plastik sa loob ng ilong. Sobrang durog ako nung mga panahon na yon.
Noong huling araw, bumili ako ng monay, mani, 7up at manok.
Pagkaakyat ko, mainit si Mama. Tapos hindi na siya nagkukulit.
Bat ganon? Ang taas ng lagnat niya pati. Tinawag ko doktor tapos bigla na lang nila hinila si Mama. Wala akong magawa para sa mama ko. Hindi na daw humihinga si Mama.
Patay na si Mama ko.
Nakitira ako sa bahay ng kapatid ko pero delubyo ang nangyari. Sinisisi nila ako dahil nagpupumilit ako daw ako na magcollege na.
Naalala ko yung araw na sinamahan ako ni Mama sa PUP. Yung mukha na puno ng pag-asa. Yung kahit hirap siya magbitbit ng mga panindang basahan hindi nawala yung paningin niya sa akin.
Hindi natapos ang pananakit ng mga kapatid ko sa akin. Para daw magtanda, kailangan ako iposas sa labas ng bahay. Labinlimang araw akong nandun. Pinapakain na parang aso. Hindi ko magawang humingi ng tulong sa ibang kapit bahay kasi pagsasabihan sila ng papa ko.
Ikakalat nila yung maling balita tungkol sa akin. Sapat na yun para maniwala sa kanila ang mga tao sa lugar namin.
Pag gabi, inaalis ng pamangkin ko yung posas sa kamay ko tapos pinatutulog ako sa sirang tindahan. Isang gabi, nahuli kami.
Binuhat ako ng kapatid ko. Tinadyan, kinalbo. Inihian at pinasubo niya ang kanyang ari sa akin. Pinipiglas ko ang sarili ko pero wala.
Hinang hina ako nung mga panahon na yon. Nagdesisyon akong umalis sa amin. Bahala na kung saan ako mapunta.
May isang call center agent na kumupkop sakin sa Pasig.
Nung una natakot ako, kasi baka dalhin ako sa ibang lugar. Pero dalawang taon na kaming magkasama at inaalagaan niya ako na parang kapatid din.
Minsan, naiisip ko kung kailan ako matatapos.
Ang tagal ko na pong lumalaban.
Hindi ko kayo masisisi kung magalit kayo sa akin kung magawa ko mang lisanin ang mundo ng wala pa sa oras.
Dibale, tatagan ko pa.
Ano kaya, pangit pa rin kaya ako? Kapalit palit talaga ako.
[text_hash] => fb671c59
)